Tag Archives: dominican

Memory Miyerkules First Day High

Unang araw ko sa Laguna BelAir School. First year high school. Transferee ako galing sa Dominican College Sta.Rosa.

http://www.youtube.com/watch?v=NgvM6wq8wJ8

Ang hindi alam ng karamihan, ang kuya ko ay nauna na sa akin na nagtransfer; si Kuya Do. Isang taong siyang mas matanda sa akin. Second year siya sa taon na yun.

Naging tradisyon na nang school namin na sabihan ang mga estudyante na uniform kagad ang isusuot sa first day ng pasukan. Pero likas na pasaway ang mga old students kaya hindi sila sumusunod. Nagsusuot ng casual attire ang old students sa first day of school.

At ang naka-uniform, either sobrang masunurin lang sa school o di kaya e transferee.

Hindi ako ganun. Since alam ko ang kalakaran, kahit transferee ako, nag-casual attire ako.

Marami kaming mga new students. At akala ng ibang new students, old student na ako dun dahil nga naka-casual ako. At dahil kilala ko na ang upperclassmen, makulit na rin ako sa school.

Nawi-wierdohan nga ang iba kong kaklase na old students dahil medyo makapal na ang mukha ko simula pa lang ng klase.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Memory Miyerkules Free Throw

Summer noon. Bago ako mag grade 3. Nagjogging kami papunta sa Dominican College. May dala kaming bola para mag-basketball doon.

 

free throw

free throw

Kasama ko si Unni, si Marc, si Tito Urso at Kuya Do. Di ko matandaan pero kasama din ata namin si Willie.

Maliit pa lang ako nun. Sobrang liit. Hindi ko pa kaya ibato ng malayo ang bola. Accomplishment na para sa akin ang maihagis ang bola para tumama sa ring. At buong pwersa ko pang ginagawa yun.

Pero this time, may kailangan akong patunayan. Need ko maka-shoot ng Free Throw. Yung hindi tumatalon sa linya. Kailangan ma-shoot, hindi yung tumama lang sa ring o sa board.

Pwersa mula sa wrist, bend your knees, follow thru, yan ang mga pointers na sinabi sa akin ni Tito Urso.

Ginawa ko. Hawak ang bola ng dalawang kamay. Nag bend ako ng tuhod. Ibinuhas ang lakas papunta sa aking mga kamay. Inihagis ang bola papunta sa ring.

Nang mabitawan ko na ang bola, wala na sa aking mga palad ang magiging kalalabasan. Ipinasa-Diyos ko na lang ang kahahantungan ng eksena.

Nakataas pa rin ang aking mga braso para sa follow thru. Hindi ko binababa hanggat hindi pa nalalaglag ang bola sa lupa.

Nakatingin ang aking mga kasama sa ginawa kong Free Throw.

Matapos ang ilang sandali, ibinaba ko rin ang braso ko nang may ngiti sa aking mga labi.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

Memory Miyerkules Childhood Special Friend

Grade 6. 4th floor sa unang building ng Dominican College Sta. Rosa. Isang subject bago kami mag out sa klase. Malapit na ang summer at malakas na ang hangin sa labas.

Sa dulong-dulo kami nakaupo. Katabi ng bintana. Nasa harapan ko siya. Kapag kumukuha ako ng notebook sa bag ko, o kahit na ballpen, o kahit na ano, naaamoy ko ang buhok niya.

Pauwi na kami pero mabango pa rin ang buhok niya. Dahil siguro hindi siya active sa PE namin kaya hindi siya pinagpapawisan. O baka naman mahusay lang siyang mag-alaga ng sarili kaya parati siyang poise.

Grade 6. poise.

Continue reading

Memory Miyerkules Naka-red

Panahon rin ng simbang gabi noon. Grade 4 ata ako. Alas otso ata ng gabi ang misa.

Bata pa ako nun. Wala pa akong gaanong hiling sa buhay. Gusto ko lang, makasama ang mga kaibigan ko na sila Claire sa simbang gabi. Parang hindi kasi sapat na araw-araw mo silang nakikita sa eskwelahan. Isa pa, papasok na rin ang Christmas vacation at matagal-tagal rin kaming hindi magkakasama.

Sa unang gabi pa lang, pinakilala na sa akin ni Claire si Precious. Maganda siya. Ka-edad lang ata namin. Hindi siya nag-aaral sa pinapasukan namin na school. Kapitbahay ata siya nung isa kong kaklase. Gusto ko siyang makilala ng lubusan. I have 9 days to do that. Hindi na masama.

Gabi-gabi, pumupunta ako sa simbahan na todo bihis. Hindi pwedeng mapahiya. Dapat parating best foot forward. Wala naman akong planong manligaw. Test the waters lang talaga ang plano ko.

Pagdating ng ikalimang misa, naupo kami dun sa gilid ng simbahan, kung saan may decoration na pond at water fountain. Pag nakabukas ang tubig, hindi maririnig ng pari ang kwentuhan namin. Hindi kami magkatabi ni Precious sa upuan. Si Claire ang nasa gitna namin.

Nagkukwentuhan sila. Pinaguusapan ata nila yung crush ni Precious na nagsisimba rin nung mga panahon na yun.

“Sino ba yung crush niya?”, tanong ko.

“Naka-red”, sagot naman ni Claire.

Humaba ang leeg ko. Ini-scan ko ang area sa mga naka-red. “Saan dyan?”

“Sus, tumingin pa sa malayo”, parinig sakin ni Claire.

Napatingin ako sa sarili ko. Red ang suot ko nung gabi na yun. Nang lumingon ako sa gawing kaliwa kung nasan si Precious, red na rin ang mukha niya.

Alam na….

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.