Tag Archives: dos por dos

8 Improvements Loonie/Abra Can Work On for FlipTop 2 on 2.

Nabanggit ko na to dati sa viral blogpost ko. Uulitin ko lang at palalawakin, tutal hindi na naman sila nanalo sa semis laban sa Team SS. Ako na ang magiging matapang na epal sa FlipTop na magsasabi na:

“Si Loonie naman, although magaling pag mag-isa, hindi mo masasabing pang 2 on 2 talaga siya.”

Handa ako sa criticisms, at sigurado ako na handa rin ang idol ninyo na sina Abra at Lonee (as pronounced by Shehyee and Smuglazz) sa mga critics. Ok lang ako na murahin, gusto ko lang sana, mag-comment ang karamihan sa mga makakabasa.

Team LA vs Team SS

Loonie Abra vs Shehyee Smugglaz

Eto ay base lang sa mga laban sa 2-on-2. Kung magko-comment kayo na based sa mga 1-on-1 nila, wala kayo sa tamang lugar.

Simulan na natin ang mga patutsada.

  1. Ciudad de Huitzuco Finish Your Partner’s Rhymes. Maraming chance sa Team Loonie-Abra na dinasal o inasahan ko na dapat si Loonie ang tumapos ng rhyme. Para na rin mag-gel ang tandem nila. Pero HINDI ITO nangyari. Kung meron man, mga finishing bars lang.
  2. http://schottremovals.co.uk/online-estimate/ Better Transition Between Verses. Kung mapapansin mo sa mga battles ng Schizo at Team SS, sila ang may pinakamagagandang transitions. Nagagawa lang ito pag hindi solid ang lahat ng linya. Pag buo kasi yung 4 bars mo, mahirap gumawa ng transition para sa kasunod na set of bars.
  3. Playing Roles. Hindi kagaya ng ibang teams, hindi nakapag play ng tamang roles sina Loonie at Abra. Maganda yung mix ng speed rap ni Crazymix sa talinhaga ni Bassilyo. Astig yung hashtag style ng Abakadaz. Malakas yung tandem ng aggressive style at speed rap with punch lines ng Team SS. Pinakamalupit naman ang Swag at battle bars mix ng Schizo. Hindi ganun kalupit ang mix ng dalawang superstars sa Team LA dahil magsasapawan talaga.
  4. Stage Presence. Nasabi ko na to dati pero uulitin ko lang. Kung mapapansin mo, ang movements ng Team LA ay step forward, step back lang. Hindi sila nagpapalit ng pwesto o pumupunta sa likod ng isa para maging obvious kung sino ang “main man” at “wing man” sa isang round/set. Ang pinakamagandang pseudo-sample nito e yung bumitaw si Juan Lazy ng MEMO PLUS Gold na line. Sa encounter na yun, si Harlem lang ang nasa picture at nasa likod lang si Juan Lazy. Maganda tuloy ang kinalabasan.
  5. In-Battle Communication. Importante to! Hindi ko lang nakita masyado sa Team LA. Nag-aantayan kasi sila at medyo delayed ang pagsalo pag nag-mini choke ang kakampi. Sobrang kumpyansa at tiwala kasi sila sa kakampi na para bang wala nang karapatan magkamali. Yung mini-choke ni Abra sa round 3 nung laban nila sa Team SS, pwede sana saluhin ni Loonie yun pero hindi nangyari. Dito lumamang ang Team SS, may line na nakalimutan si Shehyee sa round 2 nun, buti na lang sinalo ni Smugg (“matic na yan”).
  6. Weight of Rebuttals. Malaki ang points na nakukuha ng mga malulupit na rebuttals. Minsan nga, ito na ang nagpapanalo sa round mo basta may magandang rebuttals ka. Sa daming lines ng bawat team, makakakuha for sure ng rebuttals na malulupit, may 3 minutes ka para maghanda para mabitawan ng maayos yung rebuttals mo. Wala akong narinig na malupit na rebuttals ng Team LA.
  7. Usage Of Time Allotment. Team LA lang ang pumalpak sa buong Dos por Dos tournament sa paggamit ng oras. Meron silang 6-minute round nung laban kina Bassilyo. Resulta ito ng masyadong maraming bars na dala na hindi na divide ng tama sa tatlong rounds. Oo nga at panalo sila nun pero nagamit na solid line yun against sa kanila nun semis.
  8. SOLID Closing Lines. Dapat yung final lines sa 3-minute round ang pinakamalupit, kaso lang, malalakas yung mga linya ng Team LA pero wala kang mapipili na para ilagay sa last line. Kung hindi naman, wala silang swag level na kayang pagandahin ang closing line kahit ka-level lang ito ng bars sa body ng round. Pinakamaganda na yung “salamat kay Smuglazz” na line. Para sa akin, Schizo ang may pinakamagaling na delivery pagdating sa closing lines.

Kung mapapansin mo, ang mga points na binigay ko ay hindi lang para sa Team LA. Para rin ito sa bawat tandem na nangarap na mag-champion at makuha ang 150k sa FlipTop Dos Por Dos. Review notes na ninyo to.

Yung mga mas totoo at mas kapani-paniwalang reivew notes, hanapin ninyo sa FB account ni BLKD at ng FlipTop Observer.

Sabihin na natin na nagmamarunong lang ako, at wala akong karapatan na mag-comment ng ganito dahil hindi naman ako battle rapper. Pero wala namang ibang matapang diyan na gagawa nito kaya ako na lang.

Basta yung P150,000 sa finals, 400 pesos dun ay galing sa akin. Tanong mo pa yan kay Alaric.

Kung wala kang ambag, wala kang karapatan mag-comment.

6 Reasons Why Shehyee and Smugglaz WON over Loonie and Abra in FlipTop DosPorDos

Hindi na secret ko. kagabi, naglaban sa Semi-Finals ang #TeamSS at #TeamLA sa B-Side Makati. P300 ang pre-registration tickets at P450 naman pag sa gate mo binili.

Dos Por Dos tournament. Round elimination format kung saan dalawang emcees bawat team ang magbabatuhan ng letra at kataga. P150,000 ang premyo, kaya naman pinaghahandaan talaga ito ng mga battle rappers.

Sina Loonie at Abra ang pinaka-heavyweight sa lahat ng teams na kasali. Biruin mo, mga FlipTop pioneers sila na lahat ng nakalaban ay mga batikan. Kung hindi ako nagkakamali, wala pang talo si Loonie sa FlipTop Filipino Conference Battle League. Si Abra naman, ang pinakahuling controversial na laban niya ay nung huling Sunugan kung saan pinagbintangan daw siyang may kodigo.

FlipTop DosPorDos Semi-Finals

FlipTop DosPorDos Semi-Finals

Malakas si Abra sa 2 on 2. Noong naging kakampi niya si Apekz, tinalo nila ang Schizophrenia dati. Si Loonie naman, although magaling pag mag-isa, hindi mo masasabing pang 2 on 2 talaga siya. Tinalo siya at ang kakampi niyang si Datu  nina Dellot at Target nung Sunugan 2010. Di ako sure sa date, paki-correct na lang ako.

So, given na yan. May kahinaan at kalakasan ang TeamLA. Pero ano naman ang EDGE ng 21 year old na si @emceeshehyee at ng Speed Rap King na si @smugglaz187 ?

Eto, iisa-isahin ko kung ano ang strengths nila:

  1. Compliments of styles. Ang speed rap ni Smugglaz ay malakas humatak ng crowd reaction pero hindi mo nagi-gets dahil iniisip mo pa lang ang opening bars, binibitawan na niya ang punchlines ng closing bars. Nako-compliment ito ng slow but hard hitting bars ni Shehyee na madaling ma-gets pero punung-puno ng “aggressive angas”.
  2. Turn-based breathing. Alam natin na personals ang forte ni Shehyee, pero hindi maganda ang delivery ng personals pag walang kasamang rhyme at beat. Kailangan niya ng 5-10 seconds na pahinga para ma-compose ang sarili niya bago bumitaw ng ganito. Makikita yan sa laban nila ni Dello. Dahil nagipit siya, nagkulang ng charge ang personal ng OT kaya hindi ganun kabigat. Sa pahinga na kailangan ni Shehyee, napupunuan naman to ni Smugglaz ng malulupit na generic lines na hindi halata dahil naka-speed rap.
  3. Floor presence. Obvious naman to. Hindi gumagamit ng floor space si Abra at Loonie kaya lamang na lamang ang #TeamSS dito. Ginagamit nina Shehyee at Smugglaz ang floorspace para mas malakas ang mga birada. Kaya nilang humarap sa crowd, kay Anygma, sa kalaban nila, sa kakampi, sa Judge na walang kahirap-hirap. Sample na lang nito nun nakipag staring contest si Shehyee kay Nico sa first round kahit na hindi naman relevant sa laban, pero dahil sa floorspace, kaya niya gawin yun. Si Smugglaz naman, nasobrahan sa floor presence kaya nahulog sa stage nun laban niya with Apekz, pero ayos lang. Nanalo pa rin naman siya dun sa score na 4-1.
  4. Beat merging. TeamSS lang ang gumawa neto, na sa tingin ko, dapat ginagawa ng lahat pag may 2 on 2 battle. Isa ang bibitaw ng lines at yung isa magbibigay ng beath. Closing lines nila to nun round 2 na nagbigay naman ng magandang crowd reaction.
  5. Fan base. Although tie lang sila sa part na to with Loonie and Abra, masasabi ko na lamang sila dahil sa age ni Shehyee. Biruin mo, puro talo ang record ni Shehyee pero ang fan base niya ay malaki. Magaling kasi siya makipag-interacte sa fans. Sure ako ipa-plug niya ang article na to sa Twitter account niya.
  6. Room for Improvement. Para sa iba, negative to, pero para sa TeamSS at sa DosPorDos tournament e positive to. Sa tapang nila mag experiment, mapapa-isip ang ibang emcees at ang audience na pwede pala gawin yung mga ganun at gugustuhin pa nila makakita ng higit pa.

Well, sapat na ba yang mga strengths na yan para talunin sina Loonie at Abra? Tingin ko talaga, hindi pa. Minsan kasi, nagcho-choke si Shehyee at pumapalpak. Buti magaling sumalo si Smugglaz. Minsan naman, generic si Smugglaz bumitaw at weak ang punchlines sa third round, pero dahil sa personals ni Shehyee e hindi na napapansin yun.

So kahit ngayon, hindi pa rin ako naniniwala kung may magchi-chismis sa akin na panalo nga ang TeamSS ove TeamLA. Gusto ko makita ang video.

Kung gusto ni Anygma ng million views within 3-5 days, dapat i-upload na niya ang video footage ng mga laban kagabi.

Balita ko, 7-0 daw.