Tag Archives: Dota 2

Galaxy Battles Season Will Be Hosted in the Philippine Arena

Nakakatuwang isipin na ang Dota 2 sa Asia ay kinikilala na ang Pinoy audience. Peenoise kung tawagin, pero tayo ang pinaka masaya at pinakamagulong audience. Ang hiyawan natin ay kayang punuin ang napakalawak na Philippine Arena.

Doon nga magaganap ang Galaxy Battles.

Yung New Blood Championship Philippines, which is the first leg of the Galaxy Battles kung saan ang mga non-pro players ay naglalaban-laban, ay natapos netong weekend lang. Sa totoo lang, ito ang kauna-unahang big screen dota experience ko.

Iba ang pakiramdam na parang nanonood ka ng sine habang nilalaro ng mga malulupit na players ang paborito mong game.

Mas matutuwa pa siguro ako kung may Techies sa game.

The Galaxy Battles will be held on January 19-21 sa Philippine Arena. Nilatag ng organizers ang plano nila kung ano ang magiging itsura ng lugar. Magkakaroon ng concert para sa music lovers, ng Dota Town para sa mahilig mag instagram, at ang 3-day tournament para sa mga pro players. Natanggap na ng Newbee, Infamous, at TNC Pro Team ang kanilang invites.

Welcome ang lahat kahit yung mga hindi naglalaro. Gusto ma-share ng e-sports community ang experience. Multi-million industry na kami. Kahit ang Games and Amusement Board ay join na rin.

Join na rin kayo.

 

TNC Pro Team is ready for the Galaxy Battles

TNC Pro Team is ready for the Galaxy Battles

My cousin and I are looking forward to this big eSports business

My cousin and I are looking forward to this big eSports business

Continue reading