Tag Archives: driver

Dear Ka Bert

Ka Bert,

Natatandaan mo yung susunduin mo ko sa bahay ng 2:30pm? Grade 2 ata ako noon. Nasa harap na kayo ng bahay namin at kagigising ko pa lang.

Pasensya na. Hindi ko naman kasi kasalanan na oras ng siesta ang ginawa nilang oras para sa pagpasok. Oo, maliit pa lang noon ang Dominican College Sta. Rosa at kailangan kaming isiksik sa gilid ng canteen, sa science lab, o sa clinic, para lang magklase pero hindi ata makatarungan na ilagay kami sa oras na wala sa hulog.

school service

school service

Pero naging pasensyoso ka. Antay dito, bitbit ng bag dyan. Maraming maraming salamat.

Nakakatuwa rin na pinapayagan mo akong umupo sa tabi mo pag pauwi na kami. Hindi ako sa passenger seat umuupo noon. Doon talaga ako sa bandang kaliwa mo. Sinisiksik ko ang sarili ko dahil mas mahangin sa lugar na yun, malayo sa mga kaklase at kaeskwela na tulo laway at gusot na ang mga damit. Mga amoy araw na sila.

Kumusta na ba ang kaklase ko na si Michael? May sarili na ba siyang pamilya? Ako kasi wala pa. Alam kong isa ka sa mga nag-aabang kung kailan ako ikakasal.

Patawad, hindi mo na inabot yun. Sumuko ka na kasi. Inatake ka kamakailan lang at nagtuluy-tuloy ka na pag-akyat sa langit kahapon. Sayang talaga at hindi na ako nakapagpasalamat sa iyo ng personal.

Ikaw pa naman ang balak kong pagmanehuhin pagdating ng araw ng kasal ko. Hayaan mo, gagayahin na lang kita sa ugali mo na pagiging maingat. Dahan dahan kong babagtasin ang buhay na ito. Iwas aksidente, enjoy sa bawat kabig ng manibela, at paminsan-minsan ay humihinto para lumanghap ng masarap na simoy ng hangin kapag may magandang tanawin.

Magsasakay ng mga pasahero at gagawin silang kaibigan. Ibababa ang mga hindi magagandang bagay sa buhay. Patuloy na titingin sa rear view mirror kung ang lahat ng importante sa akin ay kasabay ko pa sa biyahe. Yan ang mga natutunan ko sayo.

Maraming salamat sa oras. Ikumusta mo na lang ako sa mga lolo ko sa taas.

RIP Bert Pasia,

Pepi.
Pasahero mo noong bata.

Hindi Ko Tatanggapin Ang Pera Mo

Choosy pa si manong.

Jeep na byaheng Sta. Ana – Faura ang nasakyan ko. Sumakay ako mula sa Kalentong at bababa ako sa Sta. Ana palengke papasok ng trabaho sa Makati.

Nakapagbayad na ako. Barya ang inaabot ko kadalasan; limang piso at tatlong mamiso. Mas madali ang transaksyon pag wala nang suklian.

Kagaya ng araw-araw na pagsakay ko sa jeep, hindi ako solo sa sasakyan. May makakasabay ka na iba’t ibang klase ng tao. May mga naka-postura, naka-palda, naka-shorts na pambasketbol, at┬ánaka-uniform kahit summer. May mga estudyante, senior citizen, empleyado, at kung maswerte ka, may kasakay kang aso o manok.

Pero isang mama na nakasumbrero ang naka-engkwentro ng tsuper na nasakyan ko.

“Bayad po”, sabi ng naka-sumbrero sabay abot ng singkwenta pesos. Inabot ko naman ang bayad papunta sa driver dahil yun ang job description ng pasahero sa likod ng driver’s seat.

Nang makuha ng driver ang bayad, tinignan niya ito ng bahagya. Double check lang kung singkwenta nga talaga o dalawampung piso lang. Na-verify naman niya na singkwenta nga.

Ang kaso…

“Umm boss, pasensya na po ha,” Malakas na binanggit ng driver, para na rin marinig ang boses niya kahit maingay ang kalsada. “Hindi ko po matatanggap ang pera ninyo.”

Akala ko naman e vote buying o magkaibigan sila at tinanggihan lang ng driver ang bayad. Mali ang first 2 guesses ko.

“Hindi po kasi tinatanggap ang mga perang may sulat. Pasensya na po.”

Choosy naman itong driver na to; choosy nga ba or sumusunod lang sa batas ng mga patriots…

Kuya Kim Mild Stroke

The clinical features of a mild stroke may include an extremely diverse group of effects, or symptoms. These include changes in sensation, changes to patterns of movement, weakness or paralysis, emotional disturbances and changes to speech. All, or only some of these mild stroke symptoms may be present in any particular case. – ezinearticles.com

Hinanap ko kagad ang signs and symptoms ng Mild Stroke sa internet, nang mabalitaan ko na si Kuya Kim, ang ating Matanglawin, ay itinakbo sa Makati Med. Continue reading

Papasok sa Trabaho

Ngayong pang umaga na ang trabaho ko, hindi na advisable na sa EDSA pa ako dumaan papasok sa aming opisina. Hobby kasi ng mga bus driver na mag stop sa bawat kanto ng Ayala bago makarating sa Buendia kung saan nandun ang building namin.

Kaya nga gaya ng nakagawian. Kahit na mag apat na salin sa Jeep ako, sa Mandaluyon-Sta.Ana na ako dumadaan. Eto ang nagiging ruta ko: Continue reading