Tag Archives: EDSA

Olivia Will You Marry Me – The Truth About The EDSA Ad

Nakita na ba ninyo yung nagkalat na Olivia Will You Marry Me na ads sa mga waiting shed sa EDSA?

olivia will you marry me

olivia will you marry me

 

Just in time for Valentines 2014, makikita ang mga ito sa kahabaan ng EDSA. Kulay puti ang font at ang billboard ay may kulay ng 2005 MMDA pink. Wala pang umaako ng kahibangang ito pero suspetsa ko, sa araw ng Valentines Day, malalaman rin natin ang totoo.

Hindi ko alam ang tunay na dahilan niyan. Isa lang ang nasisiguro ko, hindi ito tunay na proposal. Eto ang mga dahilan ko kung bakit:

  1. Full Name Please. Kung magpu-propose ako gamit ang billboards, hindi first name lang ang ipapalagay ko. Ipapalagay ko ang buo niyang pangalan. Sasamahan ko pa ng FB fan page para madami ang mag-like. Ilalagay ko rin pati ang picture niya. Para maramdaman niya na para sa kanya talaga ang bold move na yan at hindi para sa isang generic person na may first name na Olivia.
  2. One Is Enough. Isang billboard lang ang kailangan ko. Yung billboard or waiting shed na parati niyang tinatambayan papasok sa trabaho. Hindi kailangang ipangalandakan sa lahat ng sulok ng EDSA ang pagpu-propose ko. Sayang sa pera.
  3. Personal Touch. Mas maganda kung in person ang pagpu-propose. Tatayo ako sa maswerteng waiting shed at ihahanda ko ang sarili. Magbibihis ako ng maganda at hahawak ng isang bouquet na may dalawang dosenang bulaklak. Wala pa ring tatalo sa harapang pagsasambit ng “Will You Marry Me?”
  4. No Countdown. Kung lalagyan ko ng countdown yan, hindi ko ibibigay ang punchline agad. Para kang nagbitaw ng battle bars sa Fliptop na inuna mo ang punchline. Whack yun!

Lahat nagtatanong kung bakit. Kahit naman ako. Actually, naisip ko na rin gawin ito dati pero wala lang akong ganun karaming pera kaya nilagay ko na lang siya sa business card ko.

Mga EVANGELISTS Sa EDSA

Nakasakay na ba kayo sa isang bus sa EDSA na may nagpri-preach na kung ano. Hindi ko alam kung El Shaddai siya o Iglesia ni Cristo pero ang alam ko, magpri-preach sila.

Simple lang ang scheme, tatayo sa gitna na bus na hindi masikip at magbubukas ng bibliya. Magpapakilala sandali at magbabasa ng kaunting verse. Magpapaliwanag ng kaunti tungkol sa nabasa. Tapos nun ay pipikit at magdarasal ng malakas. Magpapasalamat sa biyaya at hihingi. Ipagdarasal ang lahat ng nasa biyahe ganun na rin lahat ng mga naiwanan ng mga pasahero sa bahay.

Sakto lang naman ang dasalan.

Pero pagkatapos ng maiksing monologue na ito ay mamimigay siya ng ENVELOPE na may nakasulat na “Para sa Simbahan” at “Ang nagbibigay ng bukal sa puso ay pinagpapala ng Diyos”.

Nung una, umaangal pa ako sa mga ganito dahil feeling ko, pine-perahan lang ako.

Pero sa kagaya ko na busy na tao, kahit isang oras sa isang Linggo ay hindi ko na naibibigay para sa Diyos, siguro nga ay nakakatulong ang ganito.

Minabuti ko kanina na imbes na umangal e damahin ang pagdarasal. Wala akong paki-alam kung magkaiba kami ng Religion nung nagli-lead ng prayer, basta ang sa akin, pareho kami na nagdarasal. Pareho kami na nagpapasalamat, nagpupuri, at humihingi. Na kahit sa dalawangpung minuto sa loob ng bus papasok ng trabaho e maramdaman ko naman ang kabutihan na binibigay sa akin ng Diyos ko.

Pagkatapos namin magdasal, naramdaman ko ang gaan sa kalooban. Naramdaman ko ang ngiti sa aking labi na alam ko na may nagmamahal sa akin. Naramdaman ko na hindi nandyan ang mga taong yan para mambwisit, nariyan sila para bigyan tayo ng pagkakataon na mag-isip at magpasalamat sa Diyos; bagay na hindi na natin nagagawa parati.

Pag-abot sa akin ng sobre, nilagyan ko kaagad ng sampung pisong barya. Feeling ko kulang pa yun pero wala din talaga akong maibibigay dahil yun na ang pera ko na pang-yosi at pangchichirya. Sakripisyo na rin yun.

In times of trouble, who do you call?

Cruisin’ towards EDSA when I felt the machine made its final sigh. The engine was then silent as I stop on the traffic light of Buendia Ave cor. Paseo de Roxas.

This is the first time Pilot, our family car, turned off its engines on me.

After turning off all lights, I tried to turn on the ignition.

A few purrs went out but to no avail.

After my own deep breath, I turned the key again.

The purrs were lighter and the engine still would not start.

I was hoping of a roar, but I can only hear laughter of people in a bar on the side street. Still I tried to turn on the machine. With a little hope and prayer I tried.

I got nothing but laughter from the gods of Olympus themselves.

And so it’s time for me to ask for help. There is none that I can think of but only one. Sure enough he is the only one capable and willing to be of help.

I grabbed my phone from the chest pocket of my MERGER jacket, I gave it a small slide to unlock the keypad. This small device would be a lot of help since the bigger machine failed me in the middle of the night.

Letter D. His name is saved in my phone with the letter D.

A few rings and no one answered. I was trying to be brave. Panicking would just worsen the situation. I played a song in my mind to ease my tension.

His phone is still ringing, and I know he will pick up the phone. I know he will.

“Hello?” goes the sound of his voice.

“Dadi, namatayan ako sa gitna ng Buendia.” was the first thing I said.

Right is not always RIGHT

“Tawagan kita pag uwi ko.” Yan ang mga huling salita na nabanggit ko bago ko pinaandar ulit ang makina ni Pilot. Binuksan ko ang headlights, kumambyo ako sa primera at pinatakbo ko ang sasakyan.

Unusual itong ginagawa ko. Over the past few weeks, ginagabi ako ng uwi kapag Linggo. Ngayon lang ako uuwi ng maaga at kakain ng dinner sa bahay. Kulang ang araw ko. Parang may hindi ako nagawa.

Sinundan ko ang jeep na pakanan. Maayos naman ang lahat. Madilim na sa alas otso y medya ng gabi. Pauwi na yung mga nagsimba ng alas siyete. Pagod na rin ang lahat dahil sa isang Chinese New Year weekend na katatapos lang. Parang ayaw pa ng mga tao maniwala na may pasok na kinabukasan.

Kumanan ulit ang jeep na sinusundan ko. Pero nawala sa isip ko na dapat ko siyang sundan. Parang may mali sa dinaraanan ko.

Diniretso ko pa ang kalsada. May nakasalubong ako isa pang jeep. Malakas ang busina nito.

Taxi naman na mahilig akong bigyan ng flashes. Ilaw ng ilaw. Nakakainis.

Pagdating ko sa dulo ng maiksing kalsada na iyon, nakabalandra ang dalawang jeep; isa papuntang Gabbys, isa naman papuntang StopNShop. Hindi ko alam bat sila nakaharang doon.

Kumanan na ako para makauwi. Wala pang isang kanto ang naaabot ko, may humarang sa akin. Nakaputi siya na parang sweater. Familiar ang uniform. Binasa ko ang nakasulat sa damit.

Mandaluyong Traffic Police

Lagot na.

Binaba ko ang bintana ko.

“One way po yung pinasok niyo ser.”