Nakakatuwa sa Barangay namin.
Kung sa iba, kaliwa’t kanan ang pangangampanya 10 days before the elections, sa aming barangay, tahimik. Makikita mo lang yung mga kumakandidato na kumakaway sayo- pero wala nang mga tarp, wala nang mga campaign jingle. Sure din akong walang bilihan ng boto.
Maliit lang ang barangay namin. Dalawang kanto lang ata, at medyo sikat din ang aming incumbent barangay kapitana. Kilala ko ang mga kagawad namin, pero hindi sa pangalan. Kilala ko lang sila sa mukha.
Kanina, pagkatapos ko mag lunch, naligo ako at nagpunta na sa Quirino School. Dun kasi ako boboto.
Pumasok ako sa room 312. Isa lang ang bumoboto nun, kaya mabilis lang ang naging proseso ko; check ng pangalan, thumbmark, kuha ng balota, upo sa armchair.
Tumingin ako sa kodigo.
Isa lang ang chairman na tumatakbo. Pito naman sa Kagawad.
Tinignan ko ang aking balota; kailangan ko ng pitong kagawad at isang kapitan.
Aba. simple lang talaga to. Hindi mo na kailangan pumili. Wala silang mga kalaban e. Sila-sila lang din.
Kaya ang ginawa ko, para maiba naman. Inuuna ko ang apelyido ng kandidato bago ang kanyang pangalan.
Tapos, pinagbali-baliktad ko na rin yung pagkakasunud-sunod ng mga kagawad. Alphabetical order kasi yung nasa kodigo. Ayoko mahalata ng COMELEC na nangongopya lang ako.
Sumatutal, panalo ang lahat ng binoto ko. Sure na yun. Di na ko magba-blog pag may iba pang nanalo.
Speaking of boto – balita ko, botong-boto sa akin ang parents mo a. So pano, tayo na ba?
*rakenrol*