Tag Archives: eleksyon

Saan Ba Galing Ang Mga Boto ni Leni Robredo?

After about 6 hours of canvassing, na overtake ni Leni Robredo si Bongbong Marcos. Ngayon, madedeclare na siyang panalo sa Vice Presidential race kung patuloy ang trend ng pasok ng mga boto.

Yung unang quarter ng canvassing kasi, pumasok agad ang boto ng Solid North. Yung mga provinces at yung mga balwarte ni Leni, hindi agad pumasok. Di ko alam kung delayed SMS lang ang dahilan because of Smart and Globe. Baka nakatulog lang yung mga BEI dahil napagod sa magdamagang botohan.

Laban Leni

Laban Leni (kinupit ko ang photo sa Philippine Star)

Continue reading

2010 Barangay Elections

Nakakatuwa sa Barangay namin.

Kung sa iba, kaliwa’t kanan ang pangangampanya 10 days before the elections, sa aming barangay, tahimik. Makikita mo lang yung mga kumakandidato na kumakaway sayo- pero wala nang mga tarp, wala nang mga campaign jingle. Sure din akong walang bilihan ng boto.

Maliit lang ang barangay namin. Dalawang kanto lang ata, at medyo sikat din ang aming incumbent barangay kapitana. Kilala ko ang mga kagawad namin, pero hindi sa pangalan. Kilala ko lang sila sa mukha.

Kanina, pagkatapos ko mag lunch, naligo ako at nagpunta na sa Quirino School. Dun kasi ako boboto.

Pumasok ako sa room 312. Isa lang ang bumoboto nun, kaya mabilis lang ang naging proseso ko; check ng pangalan, thumbmark, kuha ng balota, upo sa armchair.

Tumingin ako sa kodigo.

Isa lang ang chairman na tumatakbo. Pito naman sa Kagawad.

Tinignan ko ang aking balota; kailangan ko ng pitong kagawad at isang kapitan.

Aba. simple lang talaga to. Hindi mo na kailangan pumili. Wala silang mga kalaban e. Sila-sila lang din.

Kaya ang ginawa ko, para maiba naman. Inuuna ko ang apelyido ng kandidato bago ang kanyang pangalan.

Tapos, pinagbali-baliktad ko na rin yung pagkakasunud-sunod ng mga kagawad. Alphabetical order kasi yung nasa kodigo. Ayoko mahalata ng COMELEC na nangongopya lang ako.

Sumatutal, panalo ang lahat ng binoto ko. Sure na yun. Di na ko magba-blog pag may iba pang nanalo.

Speaking of boto – balita ko, botong-boto sa akin ang parents mo a. So pano, tayo na ba?

*rakenrol*

An Open Letter: Calling Everyone to THINK

An Open Letter: Calling Everyone to THINK

by Yahn

Dearest Voter,

Nawa’y sa iyong pagboto ay i-set aside mo muna ang personal biases mo. Bago mo isulat ang ngalan ng iyong kandidato ay nawa’y mapag-isipan mo ng husto ang traits and qualities nya as a leader. Sana hindi ka mabingi sa mga specific nyang pangako na kung hihimayin mo’y wala naman talagang kasiguruhang maisasakatuparan. Dahil kapang nariyan na rin lang siya sa posisyon, magiging objective na rin sya. Hindi na rin nya maisasaalang-ala ang inyong pinagsamahan.

Madalas nating maisip na ang malaking bulk ng responsibilidad at pag-iisip ay nakakasalalay sa isang leader. Ngunit hindi natin namamalayang ang kakarampot na oras na laan ng botante sa pagpili ng kanyang kandidato ay higit na mas mabigat na responsibilidad. Kung anong ikinasaglit ng pagmumuni-muni, ay sya namang sakit sa ulo sa pagwe-weigh down ng choices. Ngunit hindi tayo nararapat ng tumigil sa pag-iisip. Tandaan natin na pananagutan natin ang sinumang mailuluklok sa posisyon, whether we like it or not.

Muli, sa pagboto natin ay paganahin nating maigi ang pagiging kritikal natin. Let us see the bigger picture. Wag tayong padalos-dalos sa gusto nating marinig. Let’s view things in a better perspective. Sukatin ang leader in terms of measurable variables, and not just based on what they now say before us. Words are mere words. Wag tayong paligoy-ligoy sa vague statements. Suriin natin instead kung sinong malawak ang grasp ng kaisipan (experience) at hindi lamang malawak ang pananaw sa iisang concern.

Higit sa lahat, isaalang-ala natin ang grupong ating pinanghahawakan. Ang tanong: sa kandidatong ito ba ay kampante akong nasa mabuting kamay ang aming pangkat? O sa kandidatong ito ay matutugunan nya lamang ang nais ng iilan sa amin? Wag na wag ring kalilimutan ang respetong laging nilalaan para sa leader–kandidato mo man sya o hindi. Handa ka bang igalang sya sa ayaw at sa gusto mo?

Botante… oo, mahirap talagang mag-isip. Sakit sa ulo ang dulot nito. Pero mas mahirap naman magsawalang-kibo. Pero ang importante sa lahat ay ang paninindigan. Tandaan natin ang laging manindigan. Stand up not just for what is right, but for what you believe in. Stick, and always do so, to your principles. When all else fails, ito ang makakapitan mo.

Galesong Mag-isip. PLEASE. At manindigan.

Lubos na gumagalang,
Kapwa Botante

“Those who are too smart to engage in politics are punished by being governed by those who are dumber.” – Plato quotes

hinarbat mula sa friend ko sa Tabulas

Dissemination of voting information

In response to the post on Barrio Siete dot com/

Objective: To Disseminate the information on voting procedures for the upcoming 2010 automated poll elections.

Hypothesis: Banking on the popularity of a certain individual would be a successful way of disseminating needed information to all Filipinos concerned.

Materials:

  • Video presentation from Youtube
  • Airtime on National TV
  • Manny Pacquiao scheduled fight

Procedure:

  1. Control the media
  2. Give a copy of the video to the station that will show the fight on Free TV.
  3. Play the video right before the Manny Pacquiao match starts
  4. Gather information as to how the campaign worked.
  5. Do the process again on ANY replay of the match.

kaya ba natin yan?