http://centralenfieldclc.org.uk/procurement/ 17th anniversary ng Enchanted Kingdom ngayong October 2012. At sigurado akong hindi lalaki at gaganda pa siya.
Bilang isang taga-San Lorenzo na nakabisita na sa Theme Park ng kasindami ng kaniyang age, marami na rin akong nalaman tungkol sa Enchanted Kingdom na madalas ko naman naiku-kwento sa mga kasama ko kapag pumupunta ako doon.
Kaya naman ibabahagi ko sa inyo ang mga nalalaman ko. Di ko alam kung accurate pa rin ito pero try na lang ninyo mag-agree kung alam rin ninyo.
- how to by cytotec online Dating pond ang Enchanted Kingdom. May mga nangingisda doon dati bago pa sinimulang sementuhin ang Theme Park.
- Ang Wheel Of Fate ay umaabot ng 130 feet sa taas. Kitang kita ito mula sa South Super Highway. Dito ka dapat sasakay pagkatapos mo Log Jam o sa Rapids para magpatuyo ng damit.
- Dati, hindi pa 3D ang Rialto. Hindi ka pa bibigyan ng 3D glasses dati sa pagpasok. Boring ang Rialto dati. Kaya lang maraming sumasakay dun dahil aircon.
- Pinakanakakahilo na ride ng Enchanted Kingdom ang Condor. Isang beses lang ako sumakay dun tapos ayoko na. Buti na lang tinanggal na siya at pinalitan ng EKstreme Tower.
- Hindi pa ako nakakasakay sa EKstreme Tower dahil may bayad pa na 80 pesos dati nun pumunta ako dun. Buti na lang, wala na siyang bayad ngayon.
- Yung isa pang ride na hindi ko nasakyan e yung Enterprise. Parang pang astronaut training naman kasi yung ride na yun. Mababa lang siya pero paikot-ikot ka na nakasakay sa isang capsule. Wala po akong pangarap na maging Neil Armstrong.
- Matagal nang wala yung Enterprise, pinadala na siguro sa NASA.
- Ang Flying Fiesta ay parang maraming swing na nilagay sa payong na pinapaikot ng malikot mong kapatid. makakagawa ka rin ng replica nito sa ceiling fan ng classroom ninyo noong High School kung hindi aircon ang rooms ninyo.
- Hotdog at Tubig, yan ang bestfriend mo sa park.
- Wag masyado sa softdrinks dahil hindi refillable ang can.
- May mga drinking fountain na nakakalat sa Theme Park.
- Minsan, may ibon na nakiki-inom dun.
- Jungle Log Jam ang ride na pinakamalayo sa entrance at pinakamalapit sa South Super Highway. Useful ang FACT na to sa pamimick-up ng chicks.
- May mga linya sa sahig ang tapat ng Rio Grande Rapids. Pwede kayo mag patintero dito pag na-bore na kayo sa mga rides.
- Ang Grand Carousel ang best friend mo kapag nagkawalaan na kayo. Parati kang makakakita ng kakilala na nakasakay sa kabayo na hindi gumagalaw.
- Yung perya-peryahan sa tapat ng Dodgem, dating indoors yun. Nilabas lang nila dahil ginagamit na excuse ng mga guests na tumambay sa aircon na lugar ang mga arcade games.
- Ang bagong ride na Disk O Magic ay parang malaking Bey Blade. Kung hindi ka pa nakasakay sa Bey Blade, dapat bumisita ka na sa Enchanted Kingdom.
O ayan. Seventeen yan. Meron pang iba pero dahil 17th anniv pa lang ng EK, hindi na ko pwede magdagdag pa.
Kung meron kang kwentong EK, comment na sa baba!