Tag Archives: end of the world

Memory Miyerkules S2: End of the World

ito ang closest experience ko sa akala kong end of the world.

1991, bahay sa Sta.Mesa. Wala ako gaanong naaalala kundi yung lahat kami ay tinawag para umupo sa salas ay humarap sa Sto.Niño na nakaluklok sa altar sa may organ.

Nakaupo ako na katabi o nakakalong sa yaya ko. May hawak na rosaryo si Lola Nora at bumibigkas ng dasal na noong panahon na yon ay hindi ko alam bigkasin. Baka simpleng Hail Mary lang yun o Our Father pero di ko talaga maalala.

Nakapikit sila. Taimtim na nagdarasal.

Habang ako, medyo napapangiti pa dahil feeling ko, nasa ride lang ako ng isang theme park. Parang nasa Grand Carousel lang ako sa Boom na Boom o Payanig sa Pasig.

Ang kakaiba lang dito, lahat ay gumagalaw; ang sahig, ang tubig sa baso, yung isda sa aquarium, yung lamesa, yung upuan, yung duyan na wala namang tumutulak. May naglalaglagan na mga baso, plato, kutsara at tinidor.

Pero huminto din ang pagyanig. Huminto din siya eventually. Gumana siguro ang pagdarasal ng mga kamag-anak ko. Malakas kasi ke God si Lola Nora. Alam ko yun dahil lahat ng pinagdarasal niya ng taimtim ay natutupad.

After ilang araw, umulan ng abo, abo na galing sa Pinatubo.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

Handa Ka Na Ba Para Sa END OF THE WORLD?

Hindi ko na sasabihin kung sino ang pasimuno ng tsismis na ito. Hindi ko nga alam kung tsismis lang nga ito o baka totoo nga. Basta ang sabi ng Mayan Civilization, matatapos nga ang cycle ng mundo sa December 21, 2012.

Malamang may panibagong cycle na magsisimula. Hindi ko sure pero ang sigurado ako, hindi lang ako ang may alam ng tsismis na to.

BTW, Mayan Civilization nga pala ang nan-trip ke Jaguar Paw sa movie ni Mel Gibson na Apocalypto. Tignan mo sa link na to kung pwede ka pa makanuod ng movie online.

Ok, balik sa topic… END OF THE WORLD. Para i-kumpirma ang tsismis na to, ang ating number 1 Motivational Speaker at Life Coach na si John Calub ay nag-research tungkol sa topic. Nakipag-usap pa siya sa isang Mayan Elder para tignan talaga kung ano ang meron sa tsismis na ito.

At isa lang ang sigurado siya, sure siya na may mangyayari. Hindi lang niya sure kung si Mother Nature ang gagalaw o ang mga taong praning ang magko-cause ng kaguluhan pero isa lang ang sigurado, may mangyayari.

John Calub

John Calub, malamang maraming nakakakilala sa kanya bilang isang negosyante. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang visionary. Sa lawak ng kanyang kaalaman, pwede na natin sabihin na isa siyang propeta.

So paano kokontrahin ng mga Pinoy ang END OF THE WORLD? Simple lang ang sagot ni John Calub, yan ay walang iba kundi ang magdasal.

Kalokohan noh? Magdasal? Napaka-desperado naman ata nun.

Pero bat hindi natin subukan. Wala tayong pera panggawa ng mga underground bunkers at Noah’s Arch. Nasa Pacific Rim of Fire pa tayo kaya sure na tunaw ang bansa natin pag nagsimulang pumutok ang lahat ng mga bulkan. Wala talaga tayong ibang choice.

Gaya ni John Calub, naniniwala ako sa kasabihang Thoughts become Things. Sa tamang meditation at prayer, makakagawa ka ng mga bagay na imposible. Marami nang mga libro at experiments na ang nakapagpatunay dito. Pag naging science to, baka pati sakit na Cancer, kayang pagalingin ng meditation.

Kaya naman, inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa isang informative talk na gaganapin sa SMX Convention Center sa Mall of Asia. This coming Saturday, May 12, 2012 na po ito … 8am to 7pm. Dito ila-launch ang kampanya na bigyan ng peace of mind mga tao gamit ang pinakamakapangyarihang sandata… ang pagdarasal.

Ako, nag-sign up na ako para makibahagi sa “UNITE TO PRAY” campaign na ito. Sasabak ako sa pagdarasay para sa Pag-ibig, Kapayapaan, Kapatawaran at Pagkakaisa.

Tickets for this event are available for only P500.00 at all SM Tickets outlets in all SM Cinemas nationwide. For further inquiries, you may contact Ms. Belle Pustanes at 748-7646 or text 09165516146. You may also like the Facebook page or download a free report.

Wala akong gustong makasama sa huling araw ng mundo kundi ikaw.