Tag Archives: etymology

Ano Pumapasok Sa Isip Mo Pag Narinig Mo Ang SUBIC?

#Yacht

Subic came from the words “So Big” meaning, Malaki! Ewan ko kung ano ang malaki sa Subic.

One of the most known places to stay in Subic Bay is probably Subic Bay Yacht Club.

Just Located north west of Manila, Subic Bay Yacht Club over sees the Zambales Mountain Range in the east and the tranquil waters of Subic Bay that opens to the south China Sea on the west.

subic bay yacht club

subic bay yacht club

deluxe room subic bay yacht club

deluxe room subic bay yacht club

As one of its oldest and most renowned to all yacht owners who dock at Subic Bay – staying at the luxurious Subic Bay Yacht Club makes not just your yacht but you feel pampered. With its one of a kind service to its members, you would wish to be part of the members allowed to stay here.

It is indeed a perfect paradise with its safe harbor, elegant design and warm hospitality.

Experience us, Experience Subic Bay Yacht Club.

SUMMER SIREN , Why The Name?

Hindi nanggaling sa akin ang pangalan!

Noong Travel Factor year 7 party na ginanap sa B-Side, una kong narinig ang Summer Siren. Unang naisip ko, gustong sabayan ng mga bossing sa Travel Factor HQ ang palabas na Dyesebel at Kambal Sirena. Tunog mermaid kasi para sa akin ang Summer Siren.

Pero hindi pala yun ang totoong meaning.

summer siren

summer siren

This weekend na ang Summer Siren Festival. It is a 3-day party at the Crystal Beach Resort in San Narciso, Zambales. Nagpasulat na nga ang Ayos Dito sa mga bloggers para ma-hype ang event.

Kagabi, nag-orientation na kaming mga coordinators. Lalo akong na-excite sa mga nalaman ko. Get ready sa mga sasakay ng bus number 9 dahil may nakaabang na magandang something para sa inyo.

Nalaman ko na may DJ Tower na magpapatugtog simula 10am hanggang sunset. Nalaman ko na ang tugtugan sa concert grounds ay magsisimula ng 6pm hanggang 2:30am. Nalaman ko na maraming alak at mura lang siya. Nalaman ko na maraming activities.

Summer Siren, bakit nga ba yan ang pangalan?

Sa pagkaka-explain ni Tikoy Tan, eto ang hudyat ng Summer para sa atin. Ito ang ingay na maga-announce na start na ang summer season. Ito ang unang weekend ng Abril at kung hindi pa beach ready ang katawan mo e wala ka nang choice kundi rumampa sa dagat na may nakakabit na salbabida.

Summer Siren, nagpapaalala sa atin na ngayon ang panahon ng pagsasaya. Ngayon ang panahon ng pakikipagkita sa mga kaibigan, kaklase, kapamilya, at dalhin ang kwentuhan sa beach. Ito ang nagbibigay sa atin ng ideya na mas masarap makipagsagupaan sa mga alon ng dagat kesa sa pakikipagpatintero sa siyudad.

Gaya ng sirena ng bumbero, pulis, o ambulansya, kailangan nating isantabi ang mga sagabal sa buhay natin at ipagpatuloy ang buhay. Kailangan nating gumilid muna at hayaang ang malakas na tunog at makulay na ilaw ay mapagmasdan ng ating mga mata. Eto ang party.

Dahil hindi Beach Party ang isang Beach Party kung wala sa Beach ang Party.

****

Hindi ko tinanong si Papa Bear Cedric Valera tungkol dito. Lahat ng ito ay galing lang sa utak ko. Sana lang patawarin ako ng mga boss ko sa TF pag may mali akong nasabi.

Definition: Pagibig

(part 1 of a 3-part series entitled: Pagmamahal versus Pagibig)

Panahon na siguro para ibigay ko ang aking kahulugan ng salitang pagibig.

Nagresearch ako sa internet. “Definition pag ibig”, di na ako umaasang may makuhang magandang sagot. Tama nga ako, hindi makakatulong ang internet sa tanong ko. Tinanong ko ang akin nanay at tatay. Sinabi lang nila sa akin na, “bata ka pa para maintindihan mo ang salitang iyan.” Gusto ko sana sila sagutin ng, “23 years old na po ako!”
Continue reading