Elementary days. Grade 5 ata ako nun. First class sa umaga ay religion at hindi dumating yung madre na teacher namin. Hindi ko alam kung baket.
President ata ako ng klase namin. Hindi ko rin maalala kung naging President ako ng klase noon pero sure ako na tumayo ako sa harap para maging teacher.
Ang gulo ko ba magkwento?
Basta, nandoon ako sa harap ng klase. sa likuran ng teacher’s table, nakabukas ang libro at nagbabasa ng kaunti bago magbigay ng sarili kong explanation.
English ang libro, so sa salitang English ko rin siya babasahin. Pag nagbitaw ako ng explanation, Tagalog ang ginagamit ko.
Hindi ata nagi-gets ng mga kaklase ko na medyo tina-translate ko lang ang binabasa ko para mas madali namin maintindihan. Well, yun naman ata talaga ang role ng teacher, i-translate ang content ng libro at ilagay sa konteksto na maiintindihan ng estudyante. Sounds simple di ba?
Pero hindi pala ganoon kadali. Pag nag dwell ka na sa kinukwento mo, mawawala ka sa flow ng lesson at baka kung saan saan kayo makarating. Kapag hindi ka naman huminto at pinakinggan ang pulso ng klase, baka hindi nila maintindihan ang lesson.
Gumamit pa nga ako ng technique noon e. Pinabasa ko sa kaklase ang isa hanggang dalawang paragraph. Habang binabasa niya, iniisip ko na yung concept at kung paano ito ie-explain. Pag hindi ka nakakuha ng “nod” habang nage-explain ka, hindi ka successful.
*Happy Teacher’s Day sa mga guro. Lalung-lalo na sa EXPERIENCE (the best teacher).
Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .
Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.