Tag Archives: F4

Last Meteor Shower Daw Mamaya

Last Meteor Shower of 2011 Daw Mamaya.

Breaking news lang. Sabi lang to ni Kuya Kim. At syempre, verified sa Earthsky.org

Geminid meteor shower ang tawag sa meteor shower mamaya. Magaganap ang peak ng shower sa pagitan ng 1am at 3am. Sa bandang Castor star ng Gemini Constellation matatagpuan ang halos 50 meteors sa loob ng isang oras. Maaari daw lumabas ang meteors between 9pm and 6am, pero pinakamarami ang meteors sa peak hours ng shower.

Geminid Meteor Shower

Geminid Meteor Shower (photo from earth-issues.com)

Malas nga lang kung magiging maulap o maulan sa mga oras na to. Yung mga taga-Province na mayroong clear skies lamang ang makakakita ng ganda ng meteor shower. Tapos na ang Meteor shower pag taga-US ka pero pag taga-Asia ka, mamaya pa lang magsisimula.

So pano, i-ready na natin ang mga telescope at tawagin na ang F4. Abangan na natin ang Meteor Shower mamaya, pagkatapos ng Budoy!

FYI, Gemini ang Zodiac sign ko!

Bieber, binato ng mineral water bottle

Tinamaan ka na ba ng bote sa mukha? Mineral Water na bottle? Sure ako, pag napuruhan ka, masakit yun.

At ayoko maka experience ng ganun.

Ang paborito nating singer na may bangs e nagkaroon ng Concert noong December pa. Ngayon lang lumabas ang video at ngayon lang din nagkaroon ng .GIF na version.

Dapat ng kasi, alam na ng Event Organizers ang mga ganito. Dapat pagbawalan ang mga plastic bottles, may laman man o wala, na ipasok sa concert grounds. Sa oras na may makapasok na kahit na isa, sure ako, magiging projectile lang ito.

Hindi naman ako close ke Justin Bieber. Para sakin, ok lang din naman siya, hindi siya ganun kagaling at hindi rin siya ganun kapalpak. Ok lang din naman ang bangs niya e, hindi ko lang ma-imagine kung pano pa siya nakaka-connect sa audience niya kung hindi nila makita ang mga mata niya.

Yung kanta niya na Baby; parang lumang kanta na. Nung High School kasi ako, Boyz II Men ata ang kumanta nun (KC & Jojo daw sabi ni aviriƱa). Nung College naman ako, F4 ang kumanta nun. Ngayon, iba na ang tono nung siya na ang kumanta. Ganyan yata talaga ang evolution of sound.

So pano, galingan mo umilag sa uulitin ha..