Tag Archives: Facebook

Millenials Get Hurt Pag Ginawa Mo Sa Kanila Ito

Panahon na ng mga millenials. Makabago na, at kung may kagalit kang millenial, dapat alam mo kung ano ang nakaka-hurt sa kanya.

Na-Hurt ako dun ah

Na-Hurt ako dun ah

Nakikinig ako kagabi ke Papa Jackson at Kuya Chico sa 106.7 kagabi. Para sa hindi nakakaalam, nasa Energy FM na po yung dalawa. Si Papa Jackson yung dating Papa Jack ng Love Radio. Si Kuya Chico naman yung dating Chico Loco ng Yes FM! Kinupkop na sila ng Strata 2000 at ni Mam Becca.

Isa sa mga caller ni Papa Jackson e may problema dun sa jowa niya. LDR daw kasi sila. Alam mo naman sa LDR, precious ang bawat line ng communication; at ang pinakamurang line of communication ay ang Facebook.

Kaya naman ang reklamo nung caller e yung jowa niya na kada na lang mag-aaway sila ay hindi lang siya ina-unfriend, bina-block pa. Dahil nga LDR sila, hindi mapuntahan ni kuya ang kanyang jowa. Kapag ganito, kung anu-ano ang pumapasok sa isip mo dahil feeling mo, nabura na sa mundo mo ang jowa mo. Walang trace ng pictures, walang pasts, walang daily photos. Hindi mo na alam ang likes niya, ang common friends niyo, at kung bakat pa rin ang nipple niya sa kanyang swimsuit attire nung summer of 2014.

Burado na siya sa mundo.

Well, sa mundo mo… Dahil nga, naka-block ka!

Gagawa ka tuloy ng 2nd Facebook account para lang makapag-stalk, malaman mo kung totoo nga o bangungot lang na wala na siya. Mas mahu-hurt ka. Sasaktan mo ang sarili mo. Para sa akin, ito ang modern day laslas.

Hahaba pa to.

Pero ang punto ko dito, di ba na-hurt ka kapag ina-unfriend ka? Mas malalim pa ang sugat pag naka-block ka.

Ganyan saktan ang mga millenials. Yung pinsan ko na walang Facebook, walang paki-alam kung iba-block mo siya. Sa kanya kasi, naka-block na kayong lahat bago mo pa siya ma-block.

Sa susunod na may kaaway ako, hindi ako maglalabas ng kutsilyo na parang nakainom lang sa kanto ng Barangay 360, Sta. Cruz, Manila. Sasabihin ko na lang, “Ia-UNFRIEND KITA SA FACEBOOK!”

Mahu-hurt yun, pramis!

Dahil magiging 4,394 na lang ang Facebook friends niya.

Day 6: 6 Tools And Apps I Can't Live Without #30DaysBlog

Anim!

Parang nararamdaman ko na pagdating ng 30th day, 30 things na ang ipapasulat sa akin a.

O well.

day6

FaceBook App.

Lahat tayo gumagamit niyan. Dito ko nilalagay ang mga good vibes na status ko. Pag gusto ko ipaalam ang isang bagay sa nanay ko, dito ko nilalagay. Astig din kasi ang dami ng friends ko at lalo na yung paraan ng pagsh-share ng fb status.

Parang mas madaling makipagchismisan dahil sa Facebook.

Twitter App.

Kung meron akong good vibes, meron din akong bad vibes. Twitter naman ang ginagamit ko na pang-rant. Para words lang at hindi madaling ma-share.

Ginagamit ko rin yung Twitter pag gusto ko magpapansin sa mga sikat na celebrities. Sana naman nagr-retweet sila.

Foursquare App.

Gusto ko ng badges. At gusto ko talunin ang manager ko sa pagch-check in niya sa opisina namin. 37 times na raw siya in the past 60 days, ako 28 pa lang.

Kapag nauna kang mag check in sa isang lugar; yung friend mo na kasunod na magch-check in ay mame-mention ka sa Twitter syndication niya. Una-unahan lang yan.

Instagram.

Dati talaga, hindi ako mahilig dito. Nang nasimulan kong tanggapin na may nagla-like kahit papano kapag nagpost ako ng picture gamit ang camera ng aking Cherry Mobile Flare, hindi na ako napigilan.

Usually pagkain. Madalang akong mag-selfie dahil hindi ako marunong. Shout outs kay Midgey na vain! Sige selfie pa!

Du Battery Saver.

Para save-save din ng battery pag may time. Sayang ang next moment kung hindi handa ang phone mo na mag-document.

Tinder App.

Gamit ko kung gusto ko mag-surf ng mga picture ng mga babae na nag-activate rin ng app. At feeling ko, sa Tinder ko makikita ang aking forever. Well, sana nakita ko na siya!

Swipe Right!

instagram foursquare tinder dubatterysaver twitter facebook

Define LOOKBACK

Lookback

Merriam Webster logo

Merriam Webster logo

Definition by KnP

Ito ang ginagamit ko na technique para ma-verify ang value ng isang talikodgenic. Kapag naglalakad kami sa mall o tumatakbo sa circle at nakakita ng talikodgenic, bibilisan ko ang paglakad/takbo para maunahan ang target.

Pag nauna na ako, saka ako maglu-“lookback” para makita ang face ng target. Usually, sinasabayan ko ng “bilisan ninyo”, hinting na may kasama ako. Minsan gumagana ito at napapalingon sa likod ang target para naman masulyapan ng mga kasama ko ang face value niya.

Kung wala naman akong kasama, ok lang. I am sure natutuwa ang mga target pag nararamdaman nila na may nagchi-check out sa kanila.

 

Definition by Facebook

It is the 10 year anniversary project of facebook. By just logging in on your Facebook account and typing in https://facebook.com/lookback/ on your browser, Mark Zuckerberg’s masterpiece will run its program and create a 1 minute 2 second video for you.

Dito makikita ang unang mga posts mo, pinaka-trending posts mo, at mga pinaka-famous sa mga na-share mo. Sasabihin dito kung kelan ka unang naglog in sa website. Magbibigay rin ito ng collage ng mga naging FB profile pics mo.

Pag share mo, lalabas ang #lookback na hashtag. Gamitin mo ito para makapagstalk ng mga friends at mag reminisce. Ito yun akin:

 

Definition by Merriam-Webster

Walang definition. Or hindi lang ako marunong tumingin sa Website nila. Click mo na lang to, then pag na-discover mo, sabihin mo sakin: CLICK HERE.

Facebook Hashtag 101

by Pepi de Leon and friends.

3 days ago, June 12, 2013 – 115th Independence Day celebration ng Pilipinas; nag-announce ang Facebook na magi-implement na sila ng hashtag system. Ginagamit ang ganitong sistema para ma-monitor ng users ang trending topics sa Facebook server.

Pen sees hashtags

Ang nagpa-uso nito ay Twitter, pero hindi sa kanila original ang concept. Ginaya lang nila ang konsepto sa IRC networks o mas kilala bilang MIRC, isang chat system noong ako ay nasa high school pa lang (10-15 years ago).

Si Stowe Boyd naman ang father of #HashTag dahil sa kanyang pagsulat sa kanyang blog noong August 2007. Ngayon, ang #hashtag ay isa nang household term para sa topics na gusto mong ipa-trend.

Eto ang lessons natin para sa araw na ito. Mga na-complie ko lang ito sa aking timeline.

LESSON 1 : Hashtags Do Not Work ALWAYS.
#WagMaginitAngUlo.

Hindi ko rin alam kung bakit. Ang napansin ko lang, kapag feed lang siya from Twitter or mobile at may commands na hindi natapos/kumagat, hindi rin kakagat ng maayos ang hashtag mo.

rica hashtag fail

LESSON 2 : Dashes Do Not Work On Hashtags.
#WagIpilitPlease

Kapag gumamit ka ng hashtag, wag mo na lagyan ng space / dash or kahit na anong special characters ang tag mo. Only letters and numbers are being recognized as characters in a hashtag.

Kung gusto mo #GumamitKaNgUppercase

poli dash hashtag

LESSON 3 : Repeating Hashtags Do Not Work
#PaulitUlit

Pwede ka gumamit ng maraming hashtag sa isang post. Ginagamit ito usually para maipasok ang post mo sa maraming trending topics. It saves time. Ang kaso lang, hindi nakakadagdag sa pag-trend ang tatlong beses na inulit na hashtag sa isang post.

Sorry dude. Di bale, magcha-champion naman ang #Miami eh.

warleigh hashtag fail

LESSON 4 : Hashtag is ALT + 4.
#Tandaan

Tandaan na hashtag ay gumagamit ng hash at hindi @ sign or amper&and. Sa Facebook, kung ita-tag mo ang isa mong friend, there would be other means.

Hindi basta-basta kumakagat dito ang pag-gamit ng @ sign para ma-mention si friend. You need to be patient. Read more about it here.

rica hashtag fail two

************

Ngayon, sigurado akong tatanggapin ng cyberworld at netizens ang hashtag sa pinakasikat na social media site ngayon na Facebook. Wala namang masama sa pagsunod sa trending. Kung makakabuti ito para sa karamihan, bakit hindi di ba?

Mas madali ma-monitor ang balita kapag may hashtag.

Ito ang sample ng tama at simpleng paggamit ng hashtag:

azrael on my way hashtag

BONUS LESSON: Template URL ng hashtag ay http://www.facebook.com/hashtag/(*insert tag here*)

Sampol:
https://www.facebook.com/hashtag/toyconph2013

Alam na ninyo siguro kung ano ang trending topic ngayon.