Tag Archives: father

#LetDadKnow

“Palamuti na lang ba ako dito?”

NOT the exact words na binanggit ng tatay ko at one point in my life. Hindi sakto dahil bata pa ako nun. Mas maganda pa ata ang sinabi niyang dialogue kesa dyan. Hindi ko lang na-record dahil wala pa akong celphone nun.

At Elementary pa lang ata ako nun.

Yun yung mga panahon na ginagabi ako ng uwi dahil sa tambay after basketball practice sa paghahanda ng back-to-back championships ng midgets team namin na SAINTS. Puspusang laro.

Sa umaga, sa clubhouse ng phase 1. Sa tanghali, sa clubhouse naman ng Phase 1-C. Pagdating ng gabi, phase 1 ulit. Magpapa-ilaw pa kami ng court pag 10pm-11pm dahil yun lang ang oras na pwede kami maka-libre o maka-discount.

Grade 6 going First Year ako nun.
Bulakbol ako nun bata.
Well, hanggang ngayon naman.

I can not imagine kung paanong pag-aalala at pag-iisip ng parents ko pag bigla akong nawawala sa bahay sakay ng bisikleta namin na si Renegade. Yung akala mong bibili lang ng pandesal sa kanto, aabutin pa ng apat na oras dahil may makakasalubong na tropa sa  kalsada at mayayaya na. Minsan din, nagpupunta ako sa mga bahay ng mga De La Cruz sas Phase 1-A para tumambay dun hanggang dinner.

Pasaway di ba?

Kung nauso na ang generation ng Millenials noon, no choice siguro ang dad ko kundi mag subscribe sa Twitter feed, mag-ON ng notifications sa FB, o mag follow sa Instagram account ko; para lang malaman niya kung nasaang lupalop na ako ng Pilipinas. Kung may maibibigay akong tip sa mga parents ngayon, yun e yung aralin ang mga mobile devices nila para gawin ito.

Dahil tamad ang kabataan magsabi sa parents nila kung nasan sila.

Problema pa rin namin ito hanggang ngayon. Madalang na nasasabi ko pa sa tatay ko kung saang event ako pupunta at sino mga kasama ko. Nalalaman na lang niya pag-uwi ko.

Mababago pa kaya ito?

Basta, kung mayroon akong gustong ipaalam sa Dad ko, yun ay “Mahal na mahal ko sila ni Mami”, at “OK lang ako”. Hindi ko nakagawian na sabihin ng diretso, at hindi ko rin ugali na i-txt pa sila ng ganito.

This time, gusto ko rin sila tanungin… “Dad, kumusta?” , “Dadi, ano balita?” , “Paderr, ok ba tayo dyan?”

Simulan natin mag-open ng conversation. Dad’s have the right to know, di ba?

#HappyFathersDay

 

P:MM – Pirate Shirt

Hindi ako mahilig magbigay ng regalo, pero dahil na-udyok ako ni super Ex na mag bigay ng regalo sa kanya-kanyang mga tatay namin, nasa mall kami isang araw bago mag father’s day.

Nagdidiskusyon pa kami kung anong magandang i-regalo kay Papa (tatay ni super Ex) at Dadi (tatay ko). Dapat pareho sila. Para hindi magka-selosan.

Tumingin kami sa mga relo, masyadong mahal.

Tumingin kami sa pabango, hindi mahilig sa pabango ang tatay ni Super Ex.

Sinturon? Hindi ko ata alam ang waist line ng tatay ko noon.

Shorts? Briefs? Panyo? Parang cliche naman ata ang mga to.

Sa mga ganitong pagkakataon ako tumatagal sa pagsa-shopping. Matagal pumili ang mga babae. Trait na nila ang pagiging indecisive.

Pag ako kasi ang may bibilhin, nasa tricycle pa lang ako, iniisip ko na ang bibilhin ko. Pagdating ko ng mall, hahanapin ko na lang yung item, kukunin, at babayaran. Tapos.

Signature Pen? Magandang regalo yun. Pero baka mawala lang nila.

Necktie? Minsan lang yun ginagamit.

Damit na lang. Parehong large. Hindi pa uso noon ang body fit.

Hindi raw nagsusuot ng hindi puti si Papa. Kung may design naman, minimal lang. Si Dadi naman, sure ako nagsusuot yun ng kahit ano. Basta damit, kasya sa tatay ko.

Hanap naman kami ng damit. Nakakita kami ng simple lang. Walang collar pero may kulay ang half-inch na kwelyo at manggas.

At ang design? Cartoon-style na pirate. Magugustuhan ni Dadi ang pagka-kwela ng design. Magugustuhan naman ni Papa ang pagka-puti ng damit.

Kanya-kanyang uwi na kami pagkatapos. Kanya-kanyang bigay ng regalo. Mga ilang beses ko rin nakita si dadi na suot niya ang damit. Ewan ko ke Papa pero sure ako na-suot rin niya yung kanya.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.