Tag Archives: father’s day

P:MM – Pirate Shirt

Hindi ako mahilig magbigay ng regalo, pero dahil na-udyok ako ni super Ex na mag bigay ng regalo sa kanya-kanyang mga tatay namin, nasa mall kami isang araw bago mag father’s day.

Nagdidiskusyon pa kami kung anong magandang i-regalo kay Papa (tatay ni super Ex) at Dadi (tatay ko). Dapat pareho sila. Para hindi magka-selosan.

Tumingin kami sa mga relo, masyadong mahal.

Tumingin kami sa pabango, hindi mahilig sa pabango ang tatay ni Super Ex.

Sinturon? Hindi ko ata alam ang waist line ng tatay ko noon.

Shorts? Briefs? Panyo? Parang cliche naman ata ang mga to.

Sa mga ganitong pagkakataon ako tumatagal sa pagsa-shopping. Matagal pumili ang mga babae. Trait na nila ang pagiging indecisive.

Pag ako kasi ang may bibilhin, nasa tricycle pa lang ako, iniisip ko na ang bibilhin ko. Pagdating ko ng mall, hahanapin ko na lang yung item, kukunin, at babayaran. Tapos.

Signature Pen? Magandang regalo yun. Pero baka mawala lang nila.

Necktie? Minsan lang yun ginagamit.

Damit na lang. Parehong large. Hindi pa uso noon ang body fit.

Hindi raw nagsusuot ng hindi puti si Papa. Kung may design naman, minimal lang. Si Dadi naman, sure ako nagsusuot yun ng kahit ano. Basta damit, kasya sa tatay ko.

Hanap naman kami ng damit. Nakakita kami ng simple lang. Walang collar pero may kulay ang half-inch na kwelyo at manggas.

At ang design? Cartoon-style na pirate. Magugustuhan ni Dadi ang pagka-kwela ng design. Magugustuhan naman ni Papa ang pagka-puti ng damit.

Kanya-kanyang uwi na kami pagkatapos. Kanya-kanyang bigay ng regalo. Mga ilang beses ko rin nakita si dadi na suot niya ang damit. Ewan ko ke Papa pero sure ako na-suot rin niya yung kanya.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.