College ako non, palibhasa e Marketing ang aking kinukuha na majors, trip ko na mag-part time job. Wala lang, para sa akin kasi, mas matututunan mo ang mga bagay pag na-experience mo.
Oo nga at nasa libro lahat yan, pero hindi mo mage-gets ang sinasabi ng libro kung sa loob ng apat na sulok ng classroom ka lang maglalagi.
Buti na lang, habang nagcha-chat sa MIRC (hindi ko alam kung buhay pa to ngayon), may nag-pm sakin na chick. Itago natin siya sa pangalan na Sheena. Nag-offer ng trabaho. Meet daw kami sa Starbuck sa may Greenhills para ma-explain niya ng maigi. Nineteen years old pa lang ako noon at wala pa gaanong alam.
Agree naman ako. Bukod sa trabaho, chick ang nag-invite kaya go ako. Alam ko na chick kasi tinanong ko siya ng kanyang ASL. Isa pa, hindi makikipagkita to kung nagsinungaling siya sa binigay niya sakin na 21 f San Juan.
Pagdating doon, pinakilala niya ako sa kanyang friend. Itago natin yung friend niya sa pangalan na Odin. Twenty-three lang si Odin pero kumikita na ng 6 figures in a month. Ang galing noh? Kaya na-curious naman ako at pinakinggan ko ang lahat ng sinasabi niya.
Yun naman pala, mga Multi-Level-Marketers sila. Greenhills to kaya malamang, alam na ninyo kung alin na MLM ito. It was about 6-8 years ago, buhay na buhay ang mga MLM sa Greenhills. Hanggang ngayon naman, pugad pa rin ng MLM at networking ang are na yan ng Metro Manila.
Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.