Summer noon. Bago ako mag grade 3. Nagjogging kami papunta sa Dominican College. May dala kaming bola para mag-basketball doon.

free throw
Kasama ko si Unni, si Marc, si Tito Urso at Kuya Do. Di ko matandaan pero kasama din ata namin si Willie.
Maliit pa lang ako nun. Sobrang liit. Hindi ko pa kaya ibato ng malayo ang bola. Accomplishment na para sa akin ang maihagis ang bola para tumama sa ring. At buong pwersa ko pang ginagawa yun.
Pero this time, may kailangan akong patunayan. Need ko maka-shoot ng Free Throw. Yung hindi tumatalon sa linya. Kailangan ma-shoot, hindi yung tumama lang sa ring o sa board.
Pwersa mula sa wrist, bend your knees, follow thru, yan ang mga pointers na sinabi sa akin ni Tito Urso.
Ginawa ko. Hawak ang bola ng dalawang kamay. Nag bend ako ng tuhod. Ibinuhas ang lakas papunta sa aking mga kamay. Inihagis ang bola papunta sa ring.
Nang mabitawan ko na ang bola, wala na sa aking mga palad ang magiging kalalabasan. Ipinasa-Diyos ko na lang ang kahahantungan ng eksena.
Nakataas pa rin ang aking mga braso para sa follow thru. Hindi ko binababa hanggat hindi pa nalalaglag ang bola sa lupa.
Nakatingin ang aking mga kasama sa ginawa kong Free Throw.
Matapos ang ilang sandali, ibinaba ko rin ang braso ko nang may ngiti sa aking mga labi.
Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .
Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.