Grade 5 ata ako nun o Grade 6. Hindi ko maalala ng lubos. Basta ang alam ko, President ako ng klase namin.
Patapos na ang taon nun. Nauna mag exam ang honor students dahil ihahabol ang grades para sa Recognition Rites. So habang nage-exam ang iba kong mga kaklase, nakapila ako kasama ng iba pang mga nasa Honor Roll para sa isang practice.
Sa pila, napag-usapan namin na bigyan ng regalo ang aming advisor na si Mrs. Patupat. Birthday niya rin ata nun. Pasasalamat sa pag-aalaga sa amin. Mahal na mahal naman kasi namin siya. Magaling siya magturo at magaling humawak ng estudyante.
Bilang presidente, nag-draft ako ng sulat para sa lahat ng miyembro ng klase. Nasa 25 na students kami sa loob ng klase. 30 pesos ata bawat isa. Nagpagawa kami ng caricature ni Mrs Patupat at bumili na rin ng cake.
Hindi lahat pumayag, pero karamihan naman ng natulungan ni Mrs. Patupat at na-touch ng kanyang pagtuturo ay sumuporta. Nakalikom kami ng sapat para maibigay ang gusto namin ibigay. May sumobra pa nga ata dun. Di ko alam kung ano na ginawa ng treasurer sa pera. Mga 15 pesos lang ata yung sukli.
Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.