Apat na araw matapos ko makuha ang aking non-pro na lisensya, sinubukan ko ang galing ko sa paghawak ng manibela.
Kailangan ko magpractice sa pagdi-drive. May lakad kasi kami this weekend; birthday ng isang dating katrabaho. Dadalhin ko ang sasakyan para naman makapunta doon sa bahay nila. Naimbitahan lang tayo, at syempre, to catch up na rin sa mga pangyayari sa buhay buhay.
Nagpaalam ako sa tatay ko kagabi. Ang balak ko sana, isang ikot lang. Ihatid lang ang kuya ko sa trabaho. Sabi ng tatay ko, masyado nang malalim ang gabi. Suggestion niya, dalhin ko na lang ang sasakyan sa pagpasok ko sa work. Nag-agree naman ako. Mas maigi nga iyon. Medyo mas malayo ang destinasyon at ako lang mag-isa ang magmamaneho.
Ako na ang naglabas ng sasakyan sa garahe kanina. Tamaraw FX ang sasakyan namin. Pwede ka pang maglagay ng topload kung kailangan sa mga outing trip. Kakarehistro lang ng tatay ko sa sasakyan at pumasa naman ito sa smoke emission. Chineck ko ang aking lisensya, rehistro, kambyo, manibela, mirrors, bintana, tubig, oil, hangin sa gulong at brakes. Maayos naman ang lahat.
Kahit naiwanan ko sa bahay ang cellphone ko dahil sa excitement. Go pa rin ako.
Nagkamali pa nga ako ng liko. Lumampas na ako sa Buendia at umikot na lang sa may Washington para makabalik. Dapat kasi, sa Bagtikan pa lang, kumaliwa na ako.
Sa likod ako ng building namin pumarada. Hindi pa kasi ako nakakapagpa-register sa Admin namin para makaparada sa 2nd floor nang libre. Mag-aabot na lang ako sa bantay ng Parking Lot mamaya.
Safe akong nakarating sa trabaho. Sana safe din ako makauwi. Madilim mamaya. Kailangan magbukas ng ilaw. Bahala na.
Sana lang hindi ko makalimutan na may dala akong sasakyan paglabas ko sa trabaho. Baka bigla akong magcommute pauwi at makalimutan ang FX.