Tag Archives: gate

Memory Miyerkules Bubong

Lapitin talaga ako ng disgrasya.

Noong nasa Laguna pa kami nakatira, ugali na naming mga magkakapitbahay na umakyat ng bubong. Trip lang namin, walang dahilan. Masaya lang siguro na nasa bubong ka at nakikita mo ay puro bubong din. Natural high siguro ang tawag dun.

May apat na paraan ako ng pag-akyat sa bubong namin, hayaan mong isa-isahin ko ito ngayon.

  1. Galing sa poso sa likuran – Medyo masukal ang likuran namin dahil kadalasan e may sampay, pero sure na solid ang aapakan mo na poso para makatuntong sa bakod sa may likuran. Ginagamit ko ito pag naka-lock ang gate at lalabas ako ng bahay. Hindi ata alam nila mommy na kaya ko umakyat galing dun.
  2. Galing sa Groto sa may garden sa harap – Ito ang pinakamadaling paraan ng pag-akyat ng bubong. Tatawid mula sa side gate, kakapit sa pader, hahakbang sa groto at maglalakad sa alulod diretso sa bubong. Ang problema, huli ka kagad dahil nakatapat sa groto ang bintana nila mommy.
  3. Galing sa labas sa extension house ni manong Flores – Simple lang din ito dahil hindi naman buo ang bakod ng extension house. Isang diretso lang ang pag-akyat. Ginagamit ko naman ito papasok ng bahay pag naka-lock na ang gate. Ang problema, teritoryo na ng kapitbahay yun.
  4. Galing sa gate sa labas – Ito ang pinakamahirap. Kailangan kasi na bukas na bukas ang main gate at na kadikit na halos sa bakod para magawa mo ito. Kailangan din tumalon sa gate at gamitin ang upper body para mabuhat ang katawan paakyat ng bubong. Dalawang beses ko lang ata ito nagawa.

Bahay pa lang namin sa Laguna ang naakyat ko na bubong. Hindi pa ako naka-akyat sa bubong ng ibang bahay. Pero pagdating sa expertise sa pag-akyat ng bubong dun, ako ang Class S.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

Mabilis ang karma

Iba na ang shift ko ngayon. Pang gabi na ako. Nadarama ko na ngayon ang scarcity ng Free Parking sa office namin. Nakakainis dahil dalawang beses na akong tumatapat sa guard house; dalawang beses na rin akong nasasabihan na wala nang slot.

O baka tini-trip lang ako ng mga gwardiya. Di ko alam.

Anyway, napipilitan akong mag park sa likod ng opisina namin. May bayad ang parking dun. 30 pesos for the first 3 hours, 10 pesos per succeeding hour.

Masakit sa bulsa kapag 9 hours ka sa trabaho. Pero ganun talaga.

Nung paalis na ako sa parking kahapon. Nadatnan ko na natutulog ang bantay. Nahihiya naman akong bumusina. Hindi ko na siya ginising. Umalis na lang ako na hindi nagbabayad.

Mabilis talaga ang karma.

Pagpasok ko kasi sa garahe namin sa bahay, naipit ang middle finger ko sa gate. Namuo ang dugo sa loob. Masakit siya. Masakit na hindi ako makapaglaro ng Starcraft 2 nang maayos.

Kaya kanina. Nung paalis na ako sa parking, ginising ko talaga ang bantay. Binigyan ko ng matinding flashing headlights dahil hindi nga ako mahilig bumusina. Na-gets naman niya at bumangon siya para singilin ako.

Nagbayad ako ng doble dahil naalala niya rin na hindi ako nagbayad kahapon.

Siguro, kung tinakasan ko ulit ang parking fee, putol na ang middle finger ko ngayon.