Tag Archives: Gift in Kind Foundation

Gift In Kind Foundation Takes Its Advocacy To NEW HEIGHTS..

Eleven years na tayong namimigay ng school supplies, time to level up our game.

Gift in Kind Foundation, isang grupo ng mga magkakaibigan na nagdecide eleven years ago na magbalik ng biyaya. Pupunta sa probinsya ng isang member, dun sa elementary school nila, hahanapin yung mga mahihirap na students na walang wala, bibigyan ng school supplies, palalaruin ng parlor games, at pakakainin.

Natatapos ang kwento sa paguwi ng volunteers. Natatapos ang kwento ng outreach pag tapos tapos na ang program. Walang follow up. Walang follow through.

Yung nakasanayan na ganyan ay natapos ngayong taon.

Banawen lies at the foot of a mountain range. One wonders how aetas manage to live here.

Banawen lies at the foot of a mountain range. One wonders how Aetas manage to live here.

The Road to Banawen requires patience

The Road to Banawen requires patience

Three years ago, we decided to adopt Banawen Primary School. Itong paaralan na ito ang tututukan namin. Taun taon kami pupunta dito. Every year, parami nang parami ang mga regalo. Paganda ng paganda ang mga pinamimigay. Palaki ng palaki ang mga dumarating na tulong.

Dahil, lumalaki din ang mga bata. Continue reading

Ganito ka-Espesyal Ang Daraitan para sa Amin

Ngayong taon ang 10th anniversary ng aming munting foundation – ang Gift In Kind Foundation. Our mission, ang taun-taon na pags-share ng aming blessings sa aming napiling school. Namimigay kami ng school supplies sa mga bata, para ma-encourage silang mag-aral.

School population, a few weeks before school officially starts

School population, a few weeks before school officially starts

Ngayong taon, first time namin na mag Outreach sa dalawang magkaibang locations sa magkasunod na weeekend. Yung dami ng students na pagbibigyan namin ay hinati namin sa dalawa.

Each grade level were given school supplies

Each grade level were given school supplies

Ngayong taon, 150 student recipients ang nabigyan namin sa Daraetan Elementary School. Andun na kami 5 years ago, nung hindi pa yun sikat. Nagbigay na kami sa mga maliliit na bata doon 5 years ago nun hindi pa Tourist destination ang Daraitan.

Nakatulong na kami doon kahit papaano nun hindi pa sila pinapansin ng karamihan.

Yours Truly, hosting the show. ikapito ko na to.

Yours Truly, hosting the show. ikapito ko na to.

Continue reading