Tag Archives: grade 2

Memory Miyerkules S2E03 – Toothbrush

Ang pagsisipilyo ang pinakanakakatamad na gawain bago ka matulog. Pagkatapos mo kumain ng masarap, kumpleto mula appetizer hanggang dessert, aantukin ka na kagad. Mapa-almusal, pananghalian o hapunan pa yan, basta mapuno ang tiyan mo, aantukin ka talaga.

Pero kailangan e. Pinagagalitan ako pag hindi.

Noong nagkaroon ng dental exam sa Dominican College noong grade 2 ako, maganda ang naging feedback sa akin ng dentista. Habang pinagsasabihan kami ni Mrs. Divina tungkol sa importansya ng toothbrush, puro papuri naman ang binibigay niya sakin. Sabi daw kasi ng dentista sa kanya, ok daw ang set of teeth ko.

Set of Primary Teeth

Set of Primary Teeth

Ewan ko lang ha pero meron din naman akong mga kaklase na maganda din yung ngipin. Di naman ako dentista para siyasatin pa ang mga cavities nila. Tsaka hindi pa ata obvious ang mga sungki ko nun. Basta alam ko, ok na ang two front teeth ko kaya dapat na alagaan at toothbrush-an.

Isa lang ang pinakanaa-alala ko nung araw na yun. Tinanong ako ni Mrs. Divina:

where to buy clomid 2013 Mrs. Divina: JP, how often do you brush your teeth everyday?
buy disulfiram online usa JP (Gusto ko sana sabihin na isa lang, pero para hindi siya mapahiya): Twice or thrice a day. First before I go to school. Another before going to bed, and sometimes the minute I got home.
UK medication cytotec misoprostol buy online Mrs. Divina: You see class, that is how you should take care of your teeth.

Di ko alam kung ganun ka-straight yung English ko basta ganun ang naaalala ko. Wag ka na kumontra!

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

Memory Miyerkules Practice

May performance kami na gagawin sa school. Grade 2 pa lang kami nun. At dahil masisipag kami at ayaw namin mapahiya, napagdesisyunan namin na sa bahay ni Smikai mag-practice.

Walong mga bata; dalawang lalake, anim na babae. Pinakamahusay si Calvin na sumayaw kaya siya ang nasa harap. Pinakamatangkad naman ako noon kaya ako ang nasa pinakalikod.

Hindi ko alam kung sino ang nagdecide na yun ang sayawin namin pero naaalala ko, simple lang kasi ang steps nun. Tapos meron pa kaming exhibition na magta-tumbling pa ata o may gagawin na kung ano.

Basta hindi ko na maalala yung iba.

Ang naaalala ko lang, eto yung musika na ginamit namin:

http://www.youtube.com/watch?v=muoUjpVnkh0

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Memory Miyerkules Pambura

Grade 2 ako nun. 8 years old. Normal na araw kasama ang pito kong kaklase at si Mrs. Divina. Nagsusulat kami sa papel, may ginagawa ata kaming lecture notes.

Paglingon ko sa may pintuan, nakadungaw ang mommy ko. Hindi ko alam bat siya nasa school nung araw na yun. Kumaway siya, kumaway din ako.

Akala ko talaga nagpunta siya para kausapin ako. Ineexpect ko na ipu-pull out niya ako sa klase. Maiinggit mga kaklase ko kapag ganun. Biruin mo, apat na oras lang kayo sa school pero nami-miss ka na kagad ng nanay mo.

Inantay ko na tawagin ng mommy ko ang attention ng teacher ko.

Pero hindi yun nangyari.

Nagpatuloy ako sa pagsusulat. Pero hindi na ata tama yung sinusulat ko. May mga salita akong hindi dapat sinulat sa notebook ko. Kailangan ko burahin ang mga hindi maayos na mga salitang yun.

Pambura, kailangan ko ng pambura.

Naghanap ako sa bag ko. Wala akong nakitang pambura.

Hindi man halata, mahiyain akong estudyante. Actually, ma-pride akong tao. Hindi ako nanghihiram ng pambura.

Pero wala talaga ako nakita.

Pagtingin ko sa may pinto, nakita ko ang mommy ko ulit. Pabulong akong nagsabi, “pambura”. At patuloy akong naghanap sa bag ko.

Nang mapansin ni Mrs. Divina na hindi ako mapakali sa paghahanap ng kung ano sa bag ko, lumapit na siya, “Anong problema?”

“Di ko makita ang pambura ko,” sagot ko.

Pagtingin ko sa may pinto for the 3rd time, andun na ang mommy ko. Tinatawag ang teacher ko at inabutan ng pambura. Bumili ata ang mommy ko sa bookstore/canteen.

Inabot naman sakin ni Mrs. Divina ang pambura na kabibigay lang sa kanya.

Hindi ata ako nakapagpasalamat pa ke mommy noong araw na yun.

Salamat mommy, Happy Birthday ulit.

P:MM – Suppress

Grade 2 ako noon. Cute akong bata. Medyo gwapito kaya hindi mapagkakailang anak-mayaman. May mga nagkakagusto sa akin na mga dalagita, pero dahil wala pa sa isip ko ang ganoong mga bagay, naglalaro lang ako ng moro-moro at habulan.

Hindi ko trip makipaglaro sa mga kaklase ko. Walo lang kasi kami sa klase nun. Anim sa amin ay mga babae. Dalawa lang kaming lalaki at hindi ko pa ka-close yung kaklase kong yun. Mas malapit kasi siya sa mga babae. Iba ang trip niya. Mas gusto ata niya magsayaw kesa maglaro ng habulan.

Kapag recess o lunch break, bumibisita ako sa klase ng kuya ko. Kahit na mas matanda sila sa akin, mas gugustuhin ko na makipaglaro sa kanila. Mas exciting ang takbuhan doon dahil mas mabibilis sila. Mas maaangas din at minamaliit nila ang kakayahan dahil mas bata ako sa kanila. Mas nacha-challenge ako.

Sa klase kasi namin, dahil ako ang lalaki, dapat kong pagbigyan ang mga babae pag naglalaro ng habulan. Dapat kong bagalan ang takbo sa mga karera. Dapat kong bigyan sila ng lead time bago ako magsimulang lumundag-lundag sa sack race.

Nasu-suppress ang kakayahan ko kapag ganun.

Ayoko talaga na nailalagay sa sidelines ang husay ko. Ayoko na hindi ko nagagamit ang aking potential. Ayokong maging benchwarmer. Hindi na lang sana ako naglaro kung tatambay lang din ako at manunuod sa iba.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.