ha? hanudaw?
Yan ang saktong reaksyon ko nang makita ko ang mga litratong pinadala sa akin ng friend ko. Makikita ang kakaibang ilaw na ito sa mga bar na nagkalat sa Metro Manila.
yellow light is red..

wait.. ano daw? hindi ako color blind ah.
Kung hindi ka pa lasing, mababasa mo pa ang nakasulat sa ibaba na “Alcohol affects your judgment.” Gawa ang signage na ito ng Toyota. Isa siyang public service project against drunk driving.

stop at the red sign (kahit green ang ilaw)
Oo, drunk driving. Hindi Kung Fu style yun na parang Drunken Style. Ungas.

Hihinto ako sa red sign (e pano yung mga lasing sa likod ko?)
Napaisip tuloy ako. Simula nang makuha ko ang lisensya ko last year, ilang beses na ba ako nagmaneho nang naka-inom.
My Drunk Driving Experience
Sinungaling ako kung sasabihin kong never. Nung may event nga sa The Fort, open bar yun. Nagmaneho ako matapos ko sumuka ng anim na beses. Awa ng Diyos, nakauwi naman ako. Pero yung kasama ko, hindi na nakauwi sa kanila. Sa bahay ko na pinatulog.
Nakapag-drive na rin ata ako sa SLEX mag-isa nang naka-inom. Galing ako sa inuman/videoke sa Alabang area. Sober na naman ako after ng videoke pero inaantok na ko. Sabi ng tropa ko, yun ang pinakadelikado, ang magdrive na inaantok. For the second time around, salamat sa Diyos.
Mga kwentong lasing
Yung isang tito ng friend ko, nagmaneho daw na lasing. Naka-convoy pa raw sila. Bawat andar ng sasakyan, parating kumakabig sa kanan. E may mga nakaparadang sasakyan sa kanan. Buti na lang medyo gising pa si tito at naikakabig pa pakaliwa. Imaginin mo na lang yung mga nasa likod na sasakyan na nakikita yung kotse ni tito na ga-buhok na lang e babangga na sa nakaparadang mga sasakyan. Nakakahigh-blood daw talaga.
Meron pa, isang friend. Sa sobrang antok niya raw, iginilid niya daw ang sasakyan para matulog muna sandali. Ang problema nga lang, nasa Skyway siya nun. Isipin mo ha, may sasakyan na naka-hazard sa Skyway. Natural lalapitan ng mobile yun.
Statistics
Alcohol-related deaths in the US since 1982:
Samobor Total fatalities
|
http://rota-lab.com/comercial/ Alcohol-related
fatalities |
||
Year
|
Number
|
Number
|
Percent
|
1982
|
43,945
|
26,173
|
60
|
1983
|
42,589
|
24,635
|
58
|
1984
|
44,257
|
24,762
|
56
|
1985
|
43,825
|
23,167
|
53
|
1986
|
46,087
|
25,017
|
54
|
1987
|
46,390
|
24,094
|
52
|
1988
|
47,087
|
23,833
|
51
|
1989
|
45,582
|
22,424
|
49
|
1990
|
44,599
|
22,587
|
51
|
1991
|
41,508
|
20,159
|
49
|
1992
|
39,250
|
18,290
|
47
|
1993
|
40,150
|
17,908
|
45
|
1994
|
40,716
|
17,308
|
43
|
1995
|
41,817
|
17,732
|
42
|
1996
|
42,065
|
17,749
|
42
|
1997
|
42,013
|
16,711
|
40
|
1998
|
41,501
|
16,673
|
40
|
1999
|
41,717
|
16,572
|
40
|
41,945
|
17,380
|
41
|
|
42,196
|
17,400
|
41
|
|
43,005
|
17,524
|
41
|
|
42,643
|
17,013
|
40
|
|
42,518
|
16,919
|
39
|
|
43,443
|
16,885
|
39
|
|
42,532
|
15,829
|
37
|
|
41,059
|
15,387
|
37
|
|
2008
|
37,261
|
13,846
|
37
|
nakuha ko lang yan dito:
http://www.alcoholalert.com/drunk-driving-statistics.html
Patunay lang na may namamatay sa pagmamaneho ng lasing. Actually, manuod ka lang ng TV Patrol. Every week, may isa o dalawang balita tungkol sa aksidente sanhi ng drunk driving.
()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()()
Papasok na ang summer. Wala nang klase ang mga estudyante. Sure ako sunud-sunod ang mga party niyang mga yan. Paalala ko lang sa inyo, mas mabuti na mag-carpool kayo pag may inuman. At yung driver ninyo, wag na ninyo painumin.
Kung pwede naman, mag-taxi na lang kayo pauwi. Or maki-tulog na lang sa place ng host. Mas mabuti pang magpaliwanag ng maayos kinabukasan sa parents ninyo kesa sa ospital na sila paliwanagan ng doktor.
Oo, mahal ang gas ngayon, pero mas mahal ang buhay mo.
Ingat sa pagmamaneho.