Happy Birthday Camilla Rivera.
Tapos na ang party. Kain ng konti bago umuwi sa kanya-kanyang bahay. Dumaan kami sa Jollibee malapit sa St.Lukes Global City. Umorder ako ng cheeseburger meal nang may pumasok na text message./
“Dito na ko sa bahay… Nagugutom ako.”
Nagreply naman ako, “Andito kami sa McDo, bibilhan kita. Ano ba gusto mo?”
Nasa counter na ako at ayoko na pinag-aantay ko ang crew ng Jollibee. Dapat marunong tayong makibagay. Tinawagan ko na ang Diwata para tanunging kung ano ang gusto niya.
…
.
Dalawang cheeseburger meal at isang Peach Mango Pie. Take Out na lang. Alam kong magtatampo ang mga Kampeon pero ayos lang. Mas importante sa akin sa mga ganitong pagkakataon ang Diwata.
Mula Jollibee, nilakad ko na hanggang Guadalupe. Malapit lang naman yun. Isa pa, may shortcut naman. Tsaka hindi naman ganoon kadelikado dahil magaling naman akong mag Kung Fu. JOKE… Malakas ang kabog ng dibdib ko kaya mabilis din ako maglakad.
Nagkita na lang kami ng Diwata sa may Guadalupe area. Sumakay ng Jeep. Medyo nag-aaway pa kami dala ng gutom at inip.
Pero ang unang-una niyang sinabi sa akin bago ang lahat ay ang nagpakumpleto ng araw ko. Mas masarap pa itong pakinggan kesa sa mga salitang “I Love You” o “Mahal Kita”.
Sinabi niya ng malumanay na may kasamang ngiti. Hindi ko talaga malaman kung anong tuwa ang naramdaman ko. Daig ko pa ang nanalo sa Lotto. Sa sobrang tuwa ko, ililibre ko ang lahat na magko-comment sa blogpost na ito.