Tag Archives: habulan

Naglalaro Ka Ba Ng Habulan Nung Bata Ka?

Thursday

: ui.
kamusta?

Pepi De Leon: Hey. Oks naman.

: anong gamot sa broken hearted? hahaha.
broken heart**

Pepi De Leon: Libro.
Tsaka adventure.
Basta hindi lubid at kutsilyo.

: ayoko magbasa ng libro. haha

Pepi De Leon: Pwede din alak

: wala pa naman sa plano. haha
cge2 tara inom.

Pepi De Leon: Ahahaha.

:tsaka feeling ko naman d ko kaya isabit sarili ko eh..

Pepi De Leon: Ay. Di ko sure
Lahat ng successful mag suicide ay patay na.

: bakit? mukha ba ako nagpapakamatay na tao?

Pepi De Leon: Wala na mapagtatanungan kung pano.

: cge pag naisipan ko yan tas sucessful dadalawin kita para sabhin sau sagot haha

Pepi De Leon: Haha
Ano ba nangyari?

: eh ayun wala na eh. wla na ko siguro magagawa..
ayaw nya na. haha
ayoko n pagpilitan. haay.
akala ko pang habang buhay na. ayun pala panandalian lang

: nakakalungkot lang

Pepi De Leon: Tagal na yan ganyan?

: cguro nito mga nkaraang bwan.

Pepi De Leon: E gano na kayo katagal ba?

: 1 taon at 3 bwan
hahaha dami namang iba dyan. makakakita din ko pang hbang buhay na. hahaha

Pepi De Leon: Ay.
Parang mali ang focus mo a.

Pepi De Leon: Naglalaro ka ba ng habulan nung bata ka?

habulan

habulan

: bakit?

Pepi De Leon: Di ba sa larong habulan, yung hinahabol ang nagdidikta kung san pupunta.
Kung kumanan yung hinahabol, kakanan din yung hahabol.

: oo.

Pepi De Leon: Kung kumaliwa naman yung hinahabol, pakaliwa naman sila pareho.

: ano yun?
d ko gets. explain hahaha
third party? haha d ko talaga gets pepi.

Pepi De Leon: Well tama ka naman, marami naman dyan pwede habulin.
Hindi naman pang one on one game ang mataya-taya.
Pero kasi. Kawawa ka naman pag ikaw ang parating hahabol.

ANG TAWAG DUN, BUROT!

: hahaha.. tama.

Pepi De Leon: Gets mo ba?

: hindi sa lahat ng oras pwede mo habulin ang isang tao. tama na yung sinubukan mo.
hindi masyado. ibig sabhin ba nun habulin ko sya? makipagayus ako?

Pepi De Leon: Siguro, parati kang taya nun bata ka

: hindi. hindi ako nakikipaglaro nung bata ako. kasi lampa ako .
pero hindi ako payatot. hahaha

Pepi De Leon: Pwes, ngayon dapat maging matibay ka.
Kung ikaw ang pinakamabagal, ikaw ang pinakamadaling abutan.

: haha minsan bobita ako kausap eh. anun ba ibig mo sabhin? haha

Pepi De Leon: Ang gusto ko sabihin dito,
Kung gusto mo lagyan ng direksyon ang buhay mo.
Hindi na pwede yung ikaw ang humahabol.

: ui grabe wala bang direksyon buhay ko?

Pepi De Leon: Dahil pag taya ka, no choice ka kundi sumunod.

 : ah okay. edi ibig sabhin kelangan wag ko syang habulin?

Pepi De Leon: Ayan, medyo gets mo na.
Onti pang pag-iisip.

: wala naman na ako masyado balak pa mabulin sya.. napapagod din ang taya at kelangan magpahinga. o minsan ayawan nalang dba?
habulin**

Pepi De Leon: May tanong ako sayo.

: anu yun?

Pepi De Leon: Pag hindi mo na siya hahabulin, ano na gagawin mo?

: wala.. hayaan ko sya. d ko alam..
wala. magpapahinga. magreregain ng lakas
magpapahilom.

Pepi De Leon: Para?

: sa next game. hahaha
kasi baka sa next game hindi na ko ang maging taya..

Pepi De Leon: Nice. That’s it.
Buti gets mo na.

: hahaha may gf kanaba ngaun?

Pepi De Leon: Wala po

: ay. eh pero nakamove on kana?
haha hindi pa no?

Pepi De Leon: Move on na.
Di pa ko sinasagot ng boses ng kalandian e.

: edi ganyan din ako. move on. makakamove on din ako. haha
haha may nililigawan ka?

Pepi De Leon: Yup.

: oras lang kailangan ko malilimutan ko din yun pati pangalan nya. haha
haha good.
ako din manliligaw nlng ako.

: haha salamat ah.
ikakain ko nalang lahat to..

Friday

: pepi. hindi ko pala ata kaya yung sinabi ko sau. hay. ang hina ko talaga

P:MM – Suppress

Grade 2 ako noon. Cute akong bata. Medyo gwapito kaya hindi mapagkakailang anak-mayaman. May mga nagkakagusto sa akin na mga dalagita, pero dahil wala pa sa isip ko ang ganoong mga bagay, naglalaro lang ako ng moro-moro at habulan.

Hindi ko trip makipaglaro sa mga kaklase ko. Walo lang kasi kami sa klase nun. Anim sa amin ay mga babae. Dalawa lang kaming lalaki at hindi ko pa ka-close yung kaklase kong yun. Mas malapit kasi siya sa mga babae. Iba ang trip niya. Mas gusto ata niya magsayaw kesa maglaro ng habulan.

Kapag recess o lunch break, bumibisita ako sa klase ng kuya ko. Kahit na mas matanda sila sa akin, mas gugustuhin ko na makipaglaro sa kanila. Mas exciting ang takbuhan doon dahil mas mabibilis sila. Mas maaangas din at minamaliit nila ang kakayahan dahil mas bata ako sa kanila. Mas nacha-challenge ako.

Sa klase kasi namin, dahil ako ang lalaki, dapat kong pagbigyan ang mga babae pag naglalaro ng habulan. Dapat kong bagalan ang takbo sa mga karera. Dapat kong bigyan sila ng lead time bago ako magsimulang lumundag-lundag sa sack race.

Nasu-suppress ang kakayahan ko kapag ganun.

Ayoko talaga na nailalagay sa sidelines ang husay ko. Ayoko na hindi ko nagagamit ang aking potential. Ayokong maging benchwarmer. Hindi na lang sana ako naglaro kung tatambay lang din ako at manunuod sa iba.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.