Tag Archives: haircut

Memory Miyerkules KATSUPOY

May panahon nung bata ako na kailangan ko na magpagupit ng buhok. Magsisimula na kasi ang school at hindi ako papayagan ng mga madre sa Don Bosco Sta.Mesa na pumasok pag may mahabang buhok.

haircut

 

Fact: Co-ed ang Don Bosco Sta.Mesa hanggang grade4. All girls na siya pag sa higher level.

Takot kasi ako sa gunting lalo na pag dumidikit sa tenga. Pag naramdaman ng tenga ko ang maginaw na gunting, feeling ko mapuputol ang tenga ko at hindi na ako makakarinig.

Takot din ako sa maingay na electric razor. Kung gaano kalamig ang bakal na gunting, ganun naman kainit ang electric razor. Nakakabingi pa ito. Pag nadidikit sa balat ko yun razor, feeling ko kinukuryente din ako.

Pero ang pinaka-ayaw ko sa lahat e yung aasarin ako ng Tito Sundalo ko na “Pugo”. Parati niya akong sinasabihan na “mukhang Pugo” pagkatapos ko magpagupit. E hindi naman ako kalbo. Hindi naman ako mukhang itlog ng pugo.

Hate ko talaga ang pagpapagupit noon.

Pero ngayon hindi na. Iku-kwento ko next time kung bakit.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

HairCut done

Kasama sa TO DO LIST 2011 ko ang pagpapagupit. At dahil maraming nagsasabi na dapat magpagupit na talaga ako, ginawa ko na ang task a week before Valentines.

Bago ko ilabas yung picture ko, gusto ko sana makita ninyo yung bagong gupit na Pambansang Kamao.

Eto siya:

Sabi ng NOSEBLEED.COM at ng marami pang critics, kamukha niya raw si Justin Bieber.

E kung sila ang magkapareho ng hairstyle, sino ang kapareho ng hairstyle ko?

Then

now

Now

Salamat Tony and Jackey – Festival Mall Branch.