Tag Archives: high school

Memory Miyerkuls S2: Pagtalon Mula sa 2nd Floor part 1

High School days.

May veranda yung classroom namin nung High School pa kami. Directly above the Principal’s office yun kaya ganun ang disenyo. Kaya naman pag walang klase, dun kami tumatambay.

Ang kaso, sira ang pintuan ng veranda. Pag nasarhan ka, walang paraan para mabuksan ulit yun mula sa labas. Kailangang itulak ng malakas yun mula sa loob para mabuksan.

Isang hapon, habang break pa namin sa klase, tumambay ako sa veranda. Di ko alam kung ano ang trip ko nun. Nag-away ata kami ni Super Ex kaya ganun na lang ang pagpapaka-emo ko.

After a few minutes, dumating na ang teacher namin. Isa sa mga kaklase ko ang nagsara ng pinto ng veranda. Nagsimula na mag-lecture ang guro. Hindi nila napansin na wala ako sa upuan ko. At kung meron man makakapansin, iisipin lang nila na nag-CR lang ako.

Ayoko naman kumatok at mag-eskandalo. Baka mapagalitan ako ng Principal.

Kaya ang ginawa ko, mula sa veranda sa 2nd floor, tinalon ko ito pababa. Matapang ako nun. Emo nga kasi, feeling ko, wala naman din kwenta na ang buhay ko dahil magkagalit nga kami ni Super Ex.

Paglagpak ko sa damuhan sa labas ng building namin, dumanak ang dugo.

itutuloy…

 Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking

Memory Miyerkules – Kopya

High School days. Recess.

Kultura na namin ang magkopyahan ng assignments. Ang tawag namin dun, pag-compare ng notes. Don’t get me wrong ha, hindi ako ang kumokopya. Ako ang kinokopyahan.

At dahil tamad ako, hindi sila nakaka-kopya sa homework ko hanggang sa last minute ng recess. Kahit kahapon pa binigay ang assignment, gagawin ko lang to sa recess, yung break bago dumating ang teacher ng Math.

Kung may nakakabasa dito na galing sa High School ko, ipagpatawad po ninyo. Nagsasabi lang ako ng totoo.

Anyway, pag natapos ko na ang assignment, iikot na ang papel ko sa loob ng classroom. Parang pokpok na pinagpapasa-pasahan ng siyam na lalaki ang papel ko. Yung iba, talagang nagko-compare lang ng answers, pero ang karamihan. Walang ginagawa kundi mangopya.

Maswerte ako kung may magsasabi sa akin na, “Pepi, mali ang solusyon mo sa number 6. Ganito dapat.” Pero kadalasan naman, wala. Matalino kasi ako!

Blog ko to kaya pwede akong magbuhat ng bangko.

One time, nang tinignan na ng Teacher namin ang mga papel, napansin niya na wala ang assignment ko sa mga pinasa. Ang mga KUMAG kong kaklase, matapos gahasain ang assignment ko e iniwan na lang nilang nakakalat sa tabi. Hindi man lang nila naisip na ibalik sa akin para ipasa. Ang buong akala ko pa naman, sila na ang magpapasa.

Nakakahiya talaga ang eksena na yun. Hinanap ko ang papel ko pero hindi ko makita. Ako pa tuloy ang nawalan ng assignment.

Nakita ko lang ang papel ko nun lunch na. Hindi ko maalala kung naipasa ko pa yung o tinanggap pa ng teacher. Basta ang alam ko, bad trip yung experience na yun.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

P: MM – Maybe This Time

First year High School. Napagtripan ng teacher namin sa English na si Ms Aurora na magpatakbo ng play sa classroom. At ang napiling story: Cinderella.

Lahat naman tayo siguro alam ang story ng Cinderella. Kahit ang aming director na si GORI ay hindi na naisipan gumawa ng script.

Hati-hati ng trabaho. Ako, dahil tamad ako, ginawa akong lead role; Prince Charming. Ayos na yun dahil wala ka sa pre-production pag lead role ka. Ang iisipin mo na lang ay internalization of character, costume at syempre pa, script.

Ang napiling lead role na Cinderella ay si SMIKAI. Ok naman ang chemistry namin dahil naging kaklase ko na siya noong elementary ako sa Dominican College. Grade 2 hanggang grade 4 ko ata siya kaklase nun. Sikreto lang natin to ha pero ang balita e nung lumipat na si SMIKAI sa Laguna BelAir School, ako ang ikinukwento raw niya na crush niya. Hindi ako sure ha.

Anyway, pinatakbo na ang storya. Kanya-kanyang bitaw ng linya. Kanya-kanyang arte, takbo ng usapan. Enter stage left, exit stage right. Nakakatuwa ang mga pinaggagagawa namin.

Magaling ang mga propsmen and women. Pinakamahusay ang musical scoring (musical director si Super Ex *hindi pa kami noon).

Nang dumating ang finale at nakita na ni Prince Charming ang babae na sukat na sukat ang paa sa Glass Slippers, pinatugtog na ang huling kanta.

Ang napiling kanta ni Super Ex, “Maybe This Time” by Michael Martin Murphy

Hindi ko alam pero baka nga yun na ang chance para kami ng dati kong kaklase na si SMIKAI e dapat mag Maybe This Time.

http://youtu.be/QxXCPYqTz8Y

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Memory Miyerkules: Seloso

Fourth year High School. Alam ng buong school na break na kami ni super Ex. Hindi ko na matandaan ang dahilan ng paghihiwalay namin. Ang  alam ko lang, all my high school life, sanay ako na may girlfriend ako.

Masakit para sa akin na nakikita ko na may pumuporma na sa kanya na iba; si Rukawa, kakapasok lang niya last year.

Iisang klasrum lang kami. Hindi ako makalapit kay Super Ex dahil parating naka body guard si Rukawa.  Doon pa sa tabi ni Super Ex nagrereview ng Filipino. Sobrang badtrip talaga.

Isang recess, napuno na ako. Nilapitan ko sila. Yung ingay ng klase kapag recess ay biglang naglaho. Napatingin ang lahat sa akin. Akala nila diretso suntukan na. Wala namang nagtangkang umawat.

Pero hindi ako bumitaw ng suntok. Binulungan ko lang si Rukawa.

“CR. Ngayon na…”

Nauna na akong naglakad papunta sa CR. Hinanda ko ang sarili ko.

Sumunod naman si Rukawa. Ni-lock niya ang pinto pagpasok niya ng CR. Alam kong sumunod ang iba naming kaklase pero hanggang pinto lang sila. Kumakatok sila pero hindi namin sila pinansin. Halos sumisigaw na si Super Ex.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.