Tag Archives: homework

Memory Miyerkules – Kopya

High School days. Recess.

Kultura na namin ang magkopyahan ng assignments. Ang tawag namin dun, pag-compare ng notes. Don’t get me wrong ha, hindi ako ang kumokopya. Ako ang kinokopyahan.

At dahil tamad ako, hindi sila nakaka-kopya sa homework ko hanggang sa last minute ng recess. Kahit kahapon pa binigay ang assignment, gagawin ko lang to sa recess, yung break bago dumating ang teacher ng Math.

Kung may nakakabasa dito na galing sa High School ko, ipagpatawad po ninyo. Nagsasabi lang ako ng totoo.

Anyway, pag natapos ko na ang assignment, iikot na ang papel ko sa loob ng classroom. Parang pokpok na pinagpapasa-pasahan ng siyam na lalaki ang papel ko. Yung iba, talagang nagko-compare lang ng answers, pero ang karamihan. Walang ginagawa kundi mangopya.

Maswerte ako kung may magsasabi sa akin na, “Pepi, mali ang solusyon mo sa number 6. Ganito dapat.” Pero kadalasan naman, wala. Matalino kasi ako!

Blog ko to kaya pwede akong magbuhat ng bangko.

One time, nang tinignan na ng Teacher namin ang mga papel, napansin niya na wala ang assignment ko sa mga pinasa. Ang mga KUMAG kong kaklase, matapos gahasain ang assignment ko e iniwan na lang nilang nakakalat sa tabi. Hindi man lang nila naisip na ibalik sa akin para ipasa. Ang buong akala ko pa naman, sila na ang magpapasa.

Nakakahiya talaga ang eksena na yun. Hinanap ko ang papel ko pero hindi ko makita. Ako pa tuloy ang nawalan ng assignment.

Nakita ko lang ang papel ko nun lunch na. Hindi ko maalala kung naipasa ko pa yung o tinanggap pa ng teacher. Basta ang alam ko, bad trip yung experience na yun.

Memory Miyerkules ang tawag sa aking proyekto para ibahagi ang kwento ng buhay ko na may kinalaman sa sitwasyon ko ngayon. Bukod sa pagbibigay ng maiksing intro para sa mga susunod na blogpost, layunin din nito na maibahagi ang aking talambuhay.

P:MM Asan ang papel ko

Math ang subject namin pagkatapos ng recess. Alam mo naman sa Math, mahihina ang ibang tayo. Kaya halos araw-araw na nagbibigay ng assignment ang teacher namin.

High School, walang inaatupag ang mga estudyante kundi gumawa ng magagandang memories. Uso ang procrastination. Sige, i-google mo ang procrastination.

Kasali man ako sa mga tamad na bata, hindi naman ako bobo sa Math. 20 minutes ang recess namin. Gagawin ko ang assignment sa loob ng limang minuto. The other 15 minutes, kokopya na sa papel ko ang kalahati ng klase.

Kay super ex kasi kumukopya ang iba. Yung ibang hindi mahilig sa kopyahan, nagko-collaborate na lang ng sagot. (Yun ang tawag nila dun, so hindi ko iko-consider na kopyahan)

Math time na, pagpasok na pagpasok ng teacher, kokolektahin na niya ang papel.

Binilang niya ang mga papel. Kulang ng isa.

Isinaayos alphabetically.

Wala ang papel ko.

Anak ng tipaklong. Yung mga nangongopya sa akin, hindi nila ipinasa ang papel ko.

Wala tuloy akong Homework para sa araw na yun. Lagot na.

Pinagdarasal ko na lang, sana mag pop Quiz. Babawi ako.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.