We have been sending a lot of help to the world, and I think it is just right that the world must send help back.
This documentary film by Baby Ruth Villarama is for our OFW and their families. I am happy to see this dahil may mga pinsan din ako sa labas ng bansa. Iba yung pakiramdam na hindi mo sila nakakasama sa special occassions ng buhay buhay.
Stressful ang trabaho ng domestic helper, lalo na kung slave ang turing nila sayo. Hindi pantay na pagtingin mula sa amo, 24 hours na trabaho, tira-tirang pagkain, at Sunday lang ang rest day, yan ang buhay ng ating mga 4-year course graduates na mas ginustong mag trabaho sa Hongkong.
Buti nga at may mga pageant sila dun para ma-showcase ang talent at sumagot sa Q & A.
Gusto ko makanood ng pageant ng mga OFW, o kahit makapagpa-picture lang sa kanila. Makalipad na nga dun with Air Asia.
Pasensya na, hindi ko na appreciate ng husto yung movie dahil masakit na ulo ko. Last MMFF movie ko to. Pangwalo.
Pero I do appreciate yung soundtrack na pinatugtog sa credits. Relaxing. I wis marinig ko pa siya sa airwaves.
And I pray na yung mga OFW natin, safe sila kung saan man sila ngayon.