Tag Archives: host

Challenge Question/s

Nag implement ang host ng website na ito ng bagong security level. Pag log in ko kanina sa aking control panel, bumulaga sa akin ang page na nanghihingi ng mga challenge questions. Tatlo ang hinihingi; dati kasi, isang challenge question lang, solve na.

Napaisip tuloy ako, anu anong mga klase ng tanong ba na ako lang ang nakakaalam ng sagot. Yun bang challenge question na ang information ay hindi ko basta basta na lang na ibo-brodkast sa facebook, sa twitter o sa plurk. Yun bang tanong na kahit si hon ay hindi kayang sagutin. Continue reading

First Birthday ni Benedict

Sorry sa mga avid fan ng blog ko, ngayon lang ako nagkapanahon para dito e.

Pero update ko lang kayo ng pictures, para di naman kayo ma-late sa happenings sa buhay ko.

Unahin natin ang birthday ni Benedict, April 1, 2010. First birthday niya ito kaya medyo special.

The Sunday after ng kanyang birthday, nag-celebrate siya sa Marikina. Spongebob ang theme ng birthday kaya halos lahat ay naka yellow.

Naghost ako ng program at nagpalaro ng games sa mga bata doon. Yun lang ang talent ko e.

Kaya yung mga susunod na birthday dyan; available po ako mag host ng children’s party. Ready na ninyo mga papremyo, ako bahala magpahirap sa mga bata. ahahaha.

Oo nga pala, may bumisita palang international superstar sa birthday ni Benedict. Kaso wala yung mga ka-grupo niya e.

Happy Birthday Benediiiiict!!