Tag Archives: idol

P:MM – Lollipop

Grade 4 Elementary days. Gaya siguro ng ibang mga bata, mayiniidolo kang mga upper class mo, either yung pinaka-gwapo o pinaka-magaling magbasketball. Yun bang sinasabi mo sa sarili mo na, “Paglaki ko, magiging kasintalino, kasing-gwapo, o kasing galing ko rin siya. o mas higit pa.”

Isa sa mga idol ko pagdating sa basketball e yung kapitbahay namin sa subdivision. Noel ata ang pangalan niya. 3rd yr high school na siya kaya Kuya ang tawag ko sa kanya. Pinopormahan niya ang aming kapitbahay na si Ate Carla na isang taon mas bata sa kanya.

Minsan, napadaan ako sa bahay nila Ate Carla. Galing ako sa tindahan sa kanto. Bumili ako ng lollipop. Dalawang piraso ata yun. Dahil  likas na mabait ako, nang makita ko si Ate Carla, inalok ko siya ng lollipop.

Kahit na sinabi niyang masakit ang ngipin niya, tinanggap naman niya ang lollipop. Para hindi ako mapahiya.

Hindi ko napansin na nasa loob na ng bahay nila si Kuya Noel. Nakatambay siya doon at nakikipagkwentuhan sa mga kapatid ni Ate Carla.

Nang makita ako ni idol, biniro niya ako. “Pahingi naman ng lollipop.”

Wala na akong maibigay.

Mas mabait si Ate Carla kesa sa akin. In-offer niya ke Kuya Noel ang lollipop na binigay ko sa kanya. Tinanggap naman ito ni idol.

Binuksan ni idol ang lollipop, tinikman niya ito. Hindi niya nagustuhan ang lasa.

Nang makapasok si Ate Carla sa bahay nila para may gawin na kung ano. Tinapon ni idol ang lollipop sa kalsada.

Natulala ako.

“Sayang noh?” sabay ngiti ni idol.

Hindi ko na siya idol pagkatapos nun.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

Kapwa Kampeon: Michael Jackson

Namatay na ang nag-iisang King of Pop na si Michael Jackson.

Pop icon, singer and legendary music entertainer Michael Jackson has been pronounced dead Thursday, June 25, 2009 and now multiple details have emerged claiming that Jackson was first suffering from cardiac arrest after being taken to the hospital, and was later stricken, and reported in a coma for a short time before his sudden death. – hiphoprx.com

Naalala ko pa noon, noong nasa laguna pa kami. Naglalaro kami nun sa SEGA console ng “Moonwalker” kung saan bida si Michael Jackson at mga zombies, mga goons at mga aso ang kinakalaban namin. Kapag naghold ka sa special button ng matagal, sasayaw si MJ kasama ng lahat ng mga kalaban sa screen. Kapag tapos na ang sayaw, patay na rin lahat ang kalaban.

Musmos pa man din ako noong kasagsagan ng fame ni MJ Jackson (Michael Joseph ang tunay niyang pangalan) hindi ko pa rin mapagkakaila na siya nga ang pinakamatagumpay na singer-artist. Sa kabila ng maraming controversial events sa kanyang buhay, namamayagpag pa rin ang kanyang pagiging pinaka maimpluwensiyang tao pagdating sa Music Industry noon at ngayon. Idol siya ng mga idol ng mga idol ko.

Nakikiramay ang inyong Kampeon Ng Pagibig sa lahat ng relatives and friends, gayundin sa lahat ng fans na nagluluksa dahil sa pagkawala ng isang icon.

Karapatdapat talaga siyang bigyan ng clap-clap.