Tag Archives: iktus

Preparing For Mt Pulag – CHECKLIST

Powered By Travel Factor HQ.

Bago ang lahat, i-like muna tong mga to:

Paakyat kami mamaya sa Mt. Pulag, ang ikalawang sa pinakamataas na lugar sa Pilipinas, sunod lamang sa Mt. Apo.  May isang buwan ko rin kinokondisyon ang utak ko, pero hindi ko alam kung kaya ng katawan ko.

Bukod sa galing ako ng injury, nagkasakit pa ako nung Monday dahil sa biglang pag-ulan sa amin. Hassle dahil hindi ako nakapag-training. Kulang talaga.

Buti na lang at kasama ko si Master Pulag Ron Rabadon sa pag-akyat. Siya ang Lead Coordinator for the trip. Support lang ako. Taga-hello lang ako sa camera.

Speaking of which, magdadala din pala ako ng camera. Teka at icha-charge ko lang.

,,

Gusto ko sana na bigyan ninyo ako ng malupit na goodluck. In return, bibigyan ko kayo ng checklist sa pag-akyat sa bundok, o kahit na anong adventure.

  • charged batteries. lahat ng klase mula sa celphone, powerbank, AA batteries.
  • camera.
  • flashlights, headlamps.
  • jacket, kumot. kahit summer pa yan, malamig sa gabi. malamig din sa bus.
  • shades, cap, bonnet.
  • wallet, id.
  • toiletries.
  • plastic bag, ziplock.
  • extra undies and socks.
pulag essentials

pulag essentials

Yan naman ang mga pinaka-importante. Ako, pinicturan ko yung nakalatag sa kama ko. Buti na lang, sinabihan ako ni KnP01 na walang brip, muntik ko na makalimutan.

Pag hindi ako nakabalik, mami-miss ninyo ako.

5 Facts That Every IKTUS Fan Should Know

Nakilala ko na rin in person ang banda na Iktus. Dati, naririnig ko lang sila dahil bukambibig sila ni Pentells kapag nakikinig ako ng Kamikazee sa Youtube.

me with iktus

me with iktus

Biruin mo, winner sila ng Sun BroadBAND 2013. Isang contest headed by of course, Sun and MCA music. Moving forward, sila na ang ambassadors ng Sun Broadband. Ang malupit pa neto, ang pag-aalaga ng MCA sa mga artist nila ay mae-experience din ng Iktus.

Iba kasi talaga mag-alaga ang MCA. Tignan niyo na lang sina Myk Perez at  Sabrina Orial.

Anyhow, gusto ko lang i-share ang limang facts na nalaman ko tungkol sa Iktus.

*****

Siblings plus one. Magkakapatid sina Andrei, Andrew, at CJ. Actually, kambal yung bassist at drummer. Mas bata naman si CJ. Yung isang gitarista ay friend nila from church.

 

Towering heights. 6 feet ang mga boys. Pag pinagtabi-tabi mo sila, mukhang maliit yung bokalista, pero pag ako ang tumabi, matangkad din siya. Wag kang magpapaloko sa mga pictures, matangkad si CJ.

iktus at flare

At isa pa, oo maganda si CJ, pero intimidating ang height ng mga kuya niya. Magdadalawang isip ka kung gusto mo lumapit. Di na ata nila need ng bouncers.

 

Pink Water Bottle. Confirmed! Favorite ni CJ ang kanyang pink water bottle at dala niya ito sa lahat ng gig. Kalimutan mo na ang panyo, pabayaan mo nang malaglag yan. Basta nasa vicinity ng pinaka-importanteng bagay para kay CJ, ayos lang.

pink water bottle

Cover of Porque. May cover sila ng Porque by Maldita sa kanilang YouTube Channel. Maganda ang pagkakakanta. Puntahan niyo!

 Social Media Monsters. Activa sa social media ang band. Mahuhuli mo silang nagla-like sa mga status at posts mo. Make sure lang na lagyan mo ng #iktus ang mga posts mo.

Eto ang latest mula sa kanilang FB page: http://www.facebook.com/iktusmusic

Catch Iktus live this coming Saturday with Abra, Loonie, Kitchie Nadal and Kamikazee

When: April 5 
Where: The Plaza Calamba (in front of Calamba City hall)
Time: 6pm
Entrance: absolutely free! 

Our Album will be available there! See you there! 

Pls share