Tag Archives: instagram

Day 6: 6 Tools And Apps I Can't Live Without #30DaysBlog

Anim!

Parang nararamdaman ko na pagdating ng 30th day, 30 things na ang ipapasulat sa akin a.

O well.

day6

FaceBook App.

Lahat tayo gumagamit niyan. Dito ko nilalagay ang mga good vibes na status ko. Pag gusto ko ipaalam ang isang bagay sa nanay ko, dito ko nilalagay. Astig din kasi ang dami ng friends ko at lalo na yung paraan ng pagsh-share ng fb status.

Parang mas madaling makipagchismisan dahil sa Facebook.

Twitter App.

Kung meron akong good vibes, meron din akong bad vibes. Twitter naman ang ginagamit ko na pang-rant. Para words lang at hindi madaling ma-share.

Ginagamit ko rin yung Twitter pag gusto ko magpapansin sa mga sikat na celebrities. Sana naman nagr-retweet sila.

Foursquare App.

Gusto ko ng badges. At gusto ko talunin ang manager ko sa pagch-check in niya sa opisina namin. 37 times na raw siya in the past 60 days, ako 28 pa lang.

Kapag nauna kang mag check in sa isang lugar; yung friend mo na kasunod na magch-check in ay mame-mention ka sa Twitter syndication niya. Una-unahan lang yan.

Instagram.

Dati talaga, hindi ako mahilig dito. Nang nasimulan kong tanggapin na may nagla-like kahit papano kapag nagpost ako ng picture gamit ang camera ng aking Cherry Mobile Flare, hindi na ako napigilan.

Usually pagkain. Madalang akong mag-selfie dahil hindi ako marunong. Shout outs kay Midgey na vain! Sige selfie pa!

Du Battery Saver.

Para save-save din ng battery pag may time. Sayang ang next moment kung hindi handa ang phone mo na mag-document.

Tinder App.

Gamit ko kung gusto ko mag-surf ng mga picture ng mga babae na nag-activate rin ng app. At feeling ko, sa Tinder ko makikita ang aking forever. Well, sana nakita ko na siya!

Swipe Right!

instagram foursquare tinder dubatterysaver twitter facebook

Top 5 Reasons Kung Bakit Ka Fina-Follow Sa Twitter Ng Ex Ng Jowa Mo

Alam mong wala na sila dahil iyo na ngayon ang Girlfriend mo. Alam mo na matagal na yun at halos isang taon na rin silang hindi nag-uusap. Alam mo na ang ex ng Girlfriend mo ay hindi naka-follow sa Twitter niya; pero bakit ganun… ikaw ang fina-follow, ikaw ang nire-retweet, at ikaw rin ang fini-favorite?

Hindi lang sa Twitter, naka-monitor din ang Ex ni Girlfriend sa mga kilos mo sa Foursquare, sa Instagram, sa Ask.Fm at sa ultimate social network na Facebook.

Kapag binlock mo siya, may magfa-follow sa iyo na total stranger na kakagawa lang ng new account. Kapag ina-unblock mo naman, parang may program ang Twitter niya na mag-follow sa iyo.

Ang hashtag mo, hina-hashtag niya. Ang Tweet topic mo, sinasagot niya. Ang trends mo, sinasabi niya rin sa mga tweets niya.

Bakit nga ba? Ano nga bang meron?

  • Wala Silang Closure

Aminin na natin, hindi lahat ng relationship natin sa mga ex natin ay nabibigyan kaagad ng closure. Maswerte na ang mas maaga pa sa 3-month rule ang closure pero kadalasan, inaabot ng taon. Si Popoy at Basha nga, wala pa ring closure. Si Laida Magtalas nga, may kasunod pa silang movie ni John Lloyd dahil wala silang naging closure.

  • Inggit Siya Sayo

Maraming taong naiinggit, at isa na siguro siya doon. Alam niya na kumpleto ka ng networking sites at gusto niya, member din siya dun. Gusto niya malaman kung saan kayo huling nag-date. Gusto niyang pumunta sa mga na-checkinan mo sa Foursquare.

  • Wala Siyang Ibang Source

Tingin kasi niya, isa kang correspondent ng ABSCBN news. Wala siyang TV, at hindi siya naka-subscribe sa RSS feeds ng BBC news. Ang alam lang niya na kunan ng balita ay ang kasama niyang mag-jogging sa umaga na aso niya.

  • Hoping Siya 

Gusto niya makibalita sa GF mo pero hindi siya pinapansin nito kaya sayo na lang niya binubuhos ang atensyon niya. Baka sakali, makopya ka niya at maisipan ni GF na makipagbalikan sa kanya.

  • Bored Siya Sa Buhay Niya

Obvious ba? Walang happenings sa life niya. Naghahanap siya ng pagtutuunan ng pansin dahil sobra ang energy na nakuha niya sa pag-eat ng Tiger Energy Biscuit.

*******

May mga tao din talaga na hindi mo alam kung nagpapapansin lang o may intent talaga. Ang alam ko lang sa mga ganitong klase ng tao, sa kanila nakakakuha ng ideya ang mga writer ng teleserye para bigyan ng karakter ang isang kontrabida.

Sila yung mga pinipilit na makasali pa sa Book3 ng Mara – Clara; samantalang sa unang chapter pa lang ng Book1 e pinatay na sila ng author. Sila yung nagpupumilit na makasali sa isang tournament na wala namang praktis. Sila yung nagpapaskil ng campaign materials sa kalsada ng Makati samantalang sa Maynila naman sila tumatakbo bilang Congressman.

In short, sila yung epal.

Ayos lang yan, dagdag din yan sa hits sa Website at Followers sa Twitter. Mileage din yan, i-enjoy mo na lang.

Ano Ba Yang Social Media Day Na Yan?

Mapapakain ba nyan ang nagugutom kong tiyan? Mabibigyan ba nyan ng lunas ang sakit na cancer? Aangat ba ang estado ng Ekonomiya ng Pilipinas dahil sa Social Media Day na yan?

May pauso ang Mashable. Pangatlong taon na nilang sine-celebrate ang Social Media Day na ito. Bukas, magkakaroon ng sabay-sabay na gathering sa mga key spots sa mga pangunahing cities para itipon ang mga Social Media users. Party-party lang siguro ang peg.

Social Media Day 2012

Social Media Day 2012

Dito sa Makati, sa Ayala Triangle fountain magaganap ang party. Gabi yun. Mga 7pm siguro. Hindi ko alam kung pupunta ako pero sana lang wag ulanin.

Bakit ba? Gaano na ba ka-importante ang Social Media ngayon? E ano kung may BLOG ka; Ano naman sakin kung marunong ka mag upload ng videos sa YOUTUBE; Makakatulong ba sa kapakanan mo ang TWITTER followers mo; mapapakain ba ang mga anak mo dahil meron kang PLURK; Magkakaron ka ba ng girlfriend dahil sa TUMBLR, PINTEREST, at INSTAGRAM mo.

Siguro nga, puro porma lang at mga may kaya lang ang nasa social media. Pero tandaan mo, minsan na tayo nailigtas ng Social Media. Natatandaan mo ba nung panahon ng Ondoy? Halos lahat ng tulong at simpatya ng buong mundo ay nakuha natin gamit ang mga Social Media networks.

Nandyan ang bayanihan sa BarrioSiete.com.

Sayo ba, paano ba nakatulong sa iyo ang Social Media? Kailangan din natin magpasalamat sa technology na to kahit papano.

THANK YOU SOCIAL MEDIA!