Tag Archives: internet

What Happens When You Refuse To Take A Seat On A Plane During Taxi

Matagal-tagal na rin akong hindi nakasasakay ng eroplano. It has been like what, 2-3 years ago? Nakalimutan ko na nga ata kung ano ang mga patakaran sa airplane.

I admit, minsan pasaway din ako. Pag naka-land na ang airplane, bubuksan ko na ang celphone ko para magtxt ke dadi, o kung sino man ang susundo sa akin sa airport, na safe ang landing ko. Medyo matagal din kasi ang pag andar ng eroplano mula runway papuntang dock.

Pero promise, hindi ako tumatayo kaagad para kunin ang mga gamit ko sa overhead cabin.

Di natin maiiwasan ang pasaway. Kapag sa mga sobrang pasaway na, eto ang nangyayari sa kanila:

 

plane-11jailed plane-13jailed plane-15jailed plane-17jailed plane-19jailed plane-jailed

Sa susunod na sasakay ako ng eroplano, susunod na ako sa patakaran.

Facebook Hashtag 101

by Pepi de Leon and friends.

3 days ago, June 12, 2013 – 115th Independence Day celebration ng Pilipinas; nag-announce ang Facebook na magi-implement na sila ng hashtag system. Ginagamit ang ganitong sistema para ma-monitor ng users ang trending topics sa Facebook server.

Pen sees hashtags

Ang nagpa-uso nito ay Twitter, pero hindi sa kanila original ang concept. Ginaya lang nila ang konsepto sa IRC networks o mas kilala bilang MIRC, isang chat system noong ako ay nasa high school pa lang (10-15 years ago).

Si Stowe Boyd naman ang father of #HashTag dahil sa kanyang pagsulat sa kanyang blog noong August 2007. Ngayon, ang #hashtag ay isa nang household term para sa topics na gusto mong ipa-trend.

Eto ang lessons natin para sa araw na ito. Mga na-complie ko lang ito sa aking timeline.

Seroquel from india is it safe LESSON 1 : Hashtags Do Not Work ALWAYS.
http://gafccommunity.co.uk/tag/pe-delivery/ #WagMaginitAngUlo.

Hindi ko rin alam kung bakit. Ang napansin ko lang, kapag feed lang siya from Twitter or mobile at may commands na hindi natapos/kumagat, hindi rin kakagat ng maayos ang hashtag mo.

rica hashtag fail

LESSON 2 : Dashes Do Not Work On Hashtags.
#WagIpilitPlease

Kapag gumamit ka ng hashtag, wag mo na lagyan ng space / dash or kahit na anong special characters ang tag mo. Only letters and numbers are being recognized as characters in a hashtag.

Kung gusto mo #GumamitKaNgUppercase

poli dash hashtag

LESSON 3 : Repeating Hashtags Do Not Work
#PaulitUlit

Pwede ka gumamit ng maraming hashtag sa isang post. Ginagamit ito usually para maipasok ang post mo sa maraming trending topics. It saves time. Ang kaso lang, hindi nakakadagdag sa pag-trend ang tatlong beses na inulit na hashtag sa isang post.

Sorry dude. Di bale, magcha-champion naman ang #Miami eh.

warleigh hashtag fail

LESSON 4 : Hashtag is ALT + 4.
#Tandaan

Tandaan na hashtag ay gumagamit ng hash at hindi @ sign or amper&and. Sa Facebook, kung ita-tag mo ang isa mong friend, there would be other means.

Hindi basta-basta kumakagat dito ang pag-gamit ng @ sign para ma-mention si friend. You need to be patient. Read more about it here.

rica hashtag fail two

************

Ngayon, sigurado akong tatanggapin ng cyberworld at netizens ang hashtag sa pinakasikat na social media site ngayon na Facebook. Wala namang masama sa pagsunod sa trending. Kung makakabuti ito para sa karamihan, bakit hindi di ba?

Mas madali ma-monitor ang balita kapag may hashtag.

Ito ang sample ng tama at simpleng paggamit ng hashtag:

azrael on my way hashtag

BONUS LESSON: Template URL ng hashtag ay http://www.facebook.com/hashtag/(*insert tag here*)

Sampol:
https://www.facebook.com/hashtag/toyconph2013

Alam na ninyo siguro kung ano ang trending topic ngayon.

Ano Ba Yang Social Media Day Na Yan?

Mapapakain ba nyan ang nagugutom kong tiyan? Mabibigyan ba nyan ng lunas ang sakit na cancer? Aangat ba ang estado ng Ekonomiya ng Pilipinas dahil sa Social Media Day na yan?

May pauso ang Mashable. Pangatlong taon na nilang sine-celebrate ang Social Media Day na ito. Bukas, magkakaroon ng sabay-sabay na gathering sa mga key spots sa mga pangunahing cities para itipon ang mga Social Media users. Party-party lang siguro ang peg.

Social Media Day 2012

Social Media Day 2012

Dito sa Makati, sa Ayala Triangle fountain magaganap ang party. Gabi yun. Mga 7pm siguro. Hindi ko alam kung pupunta ako pero sana lang wag ulanin.

Bakit ba? Gaano na ba ka-importante ang Social Media ngayon? E ano kung may BLOG ka; Ano naman sakin kung marunong ka mag upload ng videos sa YOUTUBE; Makakatulong ba sa kapakanan mo ang TWITTER followers mo; mapapakain ba ang mga anak mo dahil meron kang PLURK; Magkakaron ka ba ng girlfriend dahil sa TUMBLR, PINTEREST, at INSTAGRAM mo.

Siguro nga, puro porma lang at mga may kaya lang ang nasa social media. Pero tandaan mo, minsan na tayo nailigtas ng Social Media. Natatandaan mo ba nung panahon ng Ondoy? Halos lahat ng tulong at simpatya ng buong mundo ay nakuha natin gamit ang mga Social Media networks.

Nandyan ang bayanihan sa BarrioSiete.com.

Sayo ba, paano ba nakatulong sa iyo ang Social Media? Kailangan din natin magpasalamat sa technology na to kahit papano.

THANK YOU SOCIAL MEDIA!

Birthday wish this 2011

Tutal ay nasimulan ko na rin lang, lulubusin ko na.

Simple lang ang birthday wish ko. Yun ay ang makita ang mukha ko sa mga profile pic ng mga friends ko (lalo na yung mga babae).

Kung titignan mo ang profile pics ko sa fb, papalit-palit ako ng profile pic na iba’t ibang chicks ang kasama. Mga pinsan, kaibigan, kakilala, officemate, tropa, lahat. Gusto ko kasi maparamdam sa friends ko na importante sila sa akin, kahit sa simpleng gesture lang na ganun.

May 28 ang target date ko ng akin birthday celebration, pero May 31 talaga ang birthday ko. sa loob ng apat na araw at tatlong gabi na yun, sana makita ko ang mukha ko sa mga facebook feed ko. Karamihan ng friends ko, sana palitan ang profile pic nila na kasama ako.

Pwede nila palitan ang profile pic nila pagpunta nila sa bahay. May wifi naman kami sa bahay e.

Eto problema, maglalabas pa ba ako ng PC para lang payagan ang mga bisita ko na makapag-FB. Hassle ata yun.

Haaaaayyyyy. Sana meron akong internet ready na TV.