Tag Archives: ipad

17-Inch LED Monitor Cut In Half

Qube 17-Inch LED Monitor ang kasama sa package ni Qarla. Pag mas malakit pa dito, hindi na magkakasya sa Computer table ko.

Ang kaso, makulit ang Diwata. Pag nagfi-facebook o Twitter siya, hindi na ako makakagamit pa ng computer. Wala naman akong iPad2 para ipagamit sa kanya para mas madali ang kanyang pagsu-surf.

Wala rin naman akong isa pang PC para tig-isa kami. Bored kasi ako pag siya ang nasa computer. Minsan naman, pag ako ang may gamit at wala siyang magawa, siya naman ang bored at kukulitin ako.

So, nakaisip kami ng way. Kapag siya ang may gamit, hahatiin ko ang screen. Kanya ang kaliwa para mag-surf, akin naman ang kanan para manuod ng series o kaya naman ng mga palabas sa youTube.

Pag siya naman ang may gusto panoorin, yung kaliwang bahagi naman ang may youTube window at yung kanan ay may WordPress window (gaya ng ginagawa namin  ngayon).

Iba talaga ang may malaking monitor, pero sa totoo lang, mas gugustuhin ko na magkaroon ng isa pang device, kahit laptop o handheld lang.

Yung ibang kampeon kasi, may hawak na na iPad at mayayabang na sila. Lalung lalo na si Pongee, ang KnP#1.

So kung kagaya mo ako na gustong magka-iPad, sumali ka ng mga contest na namimigay ng ganito. Try mo ito:

classified promos

Join na kayo. sayang ang iPad2

http://classifiedpromos.com/fb_like_0.php

Pag tinanong ka kung sino ang nag-refer sa iyo, sabihin mo, si De Leon, Joseph Paulo. Ok?

Para naman pag may iPad ka, meron akong TV. Pwede na sakin manuod ng TV habang nagfi-facebook o twitter ang diwata.

Blogging in iPad2

Hahaha. Pwede pala yun.

Hindi ako tech blogger. Wala nga akong magandang celphone na may wifi e. Kapag nasa blogger events nga ako, nanliliit ako dahil ang ibang bloggers na kasama ko ay naka-netbook o kaya naman e naka-blackberry. Live tweeting at fb updates sila samantalang ako, asa sa memory pag nagsusulat na ng blog.

Ngayong may chance ako makahawak ng iPad2, sinubukan ko na magsulat ng blog. Although hindi ako sanay, ayos lang dahil madali lang naman matutunan.

Hindi lang pala pang angry birds at fb ang iPad, pwede rin pala magsulat sa blog. First blogpost ko ito gamit ang iPad, at pure text lang to. Nakapagsulat pa nga pala ako sa tabulas blog ko kanina, at kinailangan ko magsulat gamit ang html. Mas ok talaga ang wordpress.

Sana magkaroon ako ng sarili kong iPad para makapag-blog on the go din ako.