Tag Archives: jamich

Jamvhille Sebastian Dies at Age 28

Dude,

Swerte mo. Deads ka na. Pero mas maswerte kami na mga fans mo, dahil sa maiksi mong buhay, nai-share mo pa rin ito sa amin.

Oo, isa ako sa mga fans na yun.

Magka-age lang tayo. Yung 29th birthday mo sa March 20, mukhang sa heaven mo na gaganapin. Mas en grande na handaan ang mapi-prepare sayo ni Lord dun. Biruin mo, malilibre mo pa yung mga idol natin na kasama mo na dyan.

Lung Cancer, stage 4. Mahirap labanan yun. Pero lumaban ka pa rin. Dapat matutunan din namin na lumaban sa buhay kahit alam mong impossible na. Hindi lang ito para sa atin kundi para na rin sa mga mahal natin sa buhay.

Ilan na rin ang bumisita sayo at nagbigay suporta; sina Kris Aquino, Vice Ganda, Jimmy Alapag, at iba pa. Andami siguro nila naibilin sayo para ipadala sa heaven.

Yung mga sinimulan ninyo ni Mich dito, ipagpapatuloy ng libu-libong FB fans at Twitter followers mo, wag ka na mag-alala dun. Monitor mo na lang kami.

Salamat sa buhay na maiksi pero makabuluhan. Maaalala ka pa rin namin. Promise.

Pepi de Leon
Kampeon Ng Pag-ibig

jam sebastian

jam sebastian

Super Bass with Ashley and Mich

Magandang kanta yong Super Bass by Nicki Minaj. Ambilis niya pag kakantahin mo. Dumarami ang nagko-cover ng song na to.

This week, lumabas ang version ni Ashley Gotiengfiao at ni Mich ng JaMich family. Dapat kong bigyan ng scores ang dalawa para masabi sa inyo kung alin ang mas maganda para sa akin.

  • Quality of voice – Lamang si Mich dahil mas buo ang boses niya. Mas raw at mas may igagaling pa.
  • Video Quality – Ashley! Andaming niyang resources. May second voice siya at ok na instrumentals.
  • Aura – Patas lang, kahit na medyo mas gusto ko si Mich dahil mas simple siya, mas maganda naman si Ashley sa presentation overall.

Ano ba yan, nag scores pa ako pero patas lang pala. Kayo na nga lang ang humusga!