Tag Archives: jason

Question From A Reader

JCortez > pre
> ui
> dyan k b
PDe Leon > yes sir?
JCortez > ung
> about dun sa ring
> couple ring blog mo ata un e
> aask lng aq san pde mkbli
> mgndang couple ring
> 2k lng budyet ko

Yan ang pambungad na chat sa akin ng isang friend sa Facebook. Actually, in-add niya ako at in-accept ko naman. Akala ko interesado siya sa aking online business na Supreme Wealth Alliance. Iba pala ang pakay niya.

Nakita raw niya kasi yung blog ko tungkol sa couple ring. This year ko lang nilabas yun. Actually, nawawala na yung mga singsing na yun. Mahabang kwento.

Pero the rings served their purpose, at nakapagbigay pa sa akin ng isang hit sa kampeonngpagibig.com.

Gusto niya malaman kung saan ko nabili ang mga singsing. At kung meron daw ako naiisip pa na regalo sa kanyang girlfriend, sabihin ko daw sa kanya. May budget daw siya na 2k.

Sinagot ko naman na singsing na ang pinakamaayos sa ngayon. Basta kung gusto niya haranahin ang kanyang girlfriend, magsabi lang siya. Sasamahan ko siya. Hindi ko na lang nasabi na magdadala ako ng banda sa paghaharana.

Well, marami pa kami napag-usapan sa aming munting coversation. Hiningi ko ang pic ng gf niya na Dyosa at nakita rin naman ang pic ni Pepay na Diwata.

Basta ang napagkasunduan namin, patuloy naming mamahalin ang aming mga girlfriend. Bigay lang ng bigay at wag hihingi ng kapalit. Ingatan sila at habambuhay na padamahin sa kanila kung gaano sila kaswerte at kaganda.

Natutuwa na lang ako at meron pa rin palang mga kagaya ko na walang hinahanap sa Sulit.com kundi Wagas Na Pag-ibig.

Simple Pickup Premium Videos

Dahil medyo nagkaka-gulo at nagkaka-problema ang Simple Pickup sa content na nilalabas nila, minabuti nila na iangat ang level ng kanilang videos.

Syempre naman, ang free videos na nilalabas nila sa YouTube ay medyo “not for minors”, kailangan nilang i-filter ang kanilang viewers. Although maglalabas pa rin sila ng free video content sa kanilang YouTube channel, ang bulk at beef ng kanilang videos ay makikita sa Project GO!

Simple lang naman to. From start to finish, idi-discus nila Jason, Jesse at Kong kung paano ang tinatawag nila na approach.

Simple PickUp

click sa pic para sa Project GO!

Kung hindi mo pa gets, para ito sa mga Pickup Artists na kagaya ko.

Wala naman kasi talagang tutorial ang mga lalake pagdating sa pag-approach sa mga babae. Kadalasan, humihiram pa tayo ng lakas ng loob sa Espiritu ni San Miguel para lang makapanligaw. Sa Simple Pickup, hindi na kailangan pa ng ganun.

Nag-subscribe ako sa kanila. Free Trial naman daw for the first 7 days. Pero sa unang video na nakita ko, kasama pa ng bonus video, tingin ko hindi na ako pipindot ng “unsubscribe”.

Para sa mga torpe dyan, kailangan ninyo ito.

Para sa mga kagaya ko na may ka-relasyon na, dapat rin na marunong kayong magpakilig sa mahal ninyo. Sure ako, marami kayong mapupulot dito.