Tag Archives: Jeep

Habang may Buhay, may Bawi

Eto na naman tayo sa deadspot sa Kalentong. Kapag napapadaan ako dito pauwi, humihinto ang mobile data ko. Ito yung harap ng Don Bosco Mandaluyong, right after the palengke, kung galing ka ng tulay ng Sta Ana.

Napabaling tuloy ang atensyon ko sa drayber ng jeep at sa kakwentuhan nya. Hindi ko sure kung pasahero lang ang kakwentuhan o talagang friend nya from way back. Usapang operator ng jeep at kung magkano ang kita ng isang Punta-Divisoria na ruta. Mahina daw ang isanlibo sa halfday.

teresa punta

teresa punta

Pag nagcompute ka, hindi nga aabot kung ang lahat ng pasahero e diretcho lang. Pero kung ipapasok mo ang mga kada kanto hinto na akyat baba, titriplehin ang kita.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan, nag-abot ng pamasahe ang isang ale. Tinanggap ni kuya drayber ang bayad. Sakto ang pamasahe, wala na dapat sukli. Kaya naman nagtaka ako nang bumunot ng singkwenta si kuya drayber.

Inabot niya dun sa ale ang singkwenta. “ayan, pan-Jollibee mo”.

Hindi na ako nakalingon para tignan kung maganda yung ale. Baka kabit niya, sa isip-isip ko.

“maaga ang pamasko mo a” sabi nun kakwentuhan na pasahero. Siya ang katapat nung binigyan ng singkwenta. Alam niya na sa batang babae na kasama iniabot at hindi sa ale. Na-confirm ko nung nag-Thank you ang boses ng maliit na bata.

“ganun talaga. Mababawi din naman yan.” sagot ni Kuya drayber. Tama nga siguro siya. Pasado alas nuebe na at garahe na ang nasa isip niya. Anong oras kaya siya nagsimula magmaneho at parang nakabawi na siya.

Isanlibo sa kalahating araw. Ayus yun.

“habang may buhay, may bawi” hindi pa tapos sa kwento si kuya drayber. “pag patay ka na, dun lang walang bawi”.

Quotable yun ah.

Tama nga naman siya. Hindi sana ako maniniwala kung hindi lang siya naglabas ng isang bungkos ng kaperahan na sa estimate ko e aabot nga ng isanlibo, o higit pa.

Di bale, makakabawi din tayo.

Life Is Hard. Matigas Ang Buhay

Maraming matitigas na bagay ang naeencounter ko lately sa araw-araw. Yung katigasan nila, hindi biro. Ok lang sana kung by default, matitigas na sila e. Pero kung e ang expected mo dapat e malambot siya, tapos matigas pala, hihinto ng slight ang mundo mo.

At mapapaisip ka na rin kung nasa panaginip ka lang.

Ice 4 Sale .. 3 pesos lang

Ice 4 Sale .. 3 pesos lang

Matigas na yelo. Masaya ako pag matigas na ang yelo na nasa freezer. This means pwede na siya i harvest at gamitin pampalamig ng tubig, ng juice, o ng coke. Mas masaya pa neto, hindi ako ang nagtanim ng water sa ice bag sa freezer. Salamat mami, or dadi, or ate Joan.

Di ko sure kung sino gumawa pero salamat.

Matigas na pader ng bahay. Depende naman ang happiness ko dito.

Pag nauntog ako, o kung sino man bata na inaalagaan ko, bad trip yun. Pero kung ang pader ng bahay ay gagamitin ko para paghampasan ng matigas na yelo, ok sakin yun.

Matigas na upuan sa jeep. Ito ang tunay na badtrip. Hassle to. Ineexpect mo pa naman, malambot yung upuan dahil maganda ang pagkaka upholster ng lumang tarpaulin ng pulitiko. Minsan, tarpaulin ni Coco Martin. Akala mo talaga malambot ang pisngi ng idol mong artista, yun pala, nalimutan palamanan ng foam.

Pwede ba, sais lang bayad ko, matigas po ang upuan niyo manong.

Yung mukha ng ex mo na nangungutang sayo. Kapal talaga beshie. Tindi. Tigas. Badtrip talaga to.

Yung manliligaw ng pinsan mo na nangungutang sayo. Isa pa to dre. Wag na wag mong pauutangin yan kahit bespren pa kayo nung college. Please lang. Pag naging sila, hindi ka na niya babayaran. Pag hindi naging sila, friendship over kayo dahil hindi mo siya inilakad. In other words, hindi ka niya babayaran. Naku KAAAAA!

Kayo, ano pang mga matitigas na bagay ang nae-encounter ninyo? Comment down below.

Wag Kang Kakatok Kung Hindi Ka Naman Papasok

Nakakainis lang.

May mga kasabay ako sa jeep kanina pauwi galing EDSA. Instead na magsabi ng “para po” pag bababa na sila, kinakatok nila ang ceiling ng jeep. Katarantaduhan yun.

Siguro hindi kapag sila ay pipi, pero nung hindi naman sila pinapansin ng tsuper, sumisigaw rin sila ng “para”.

At pagalit pa!

Hindi ko alam kung san nagsimula ang ugaling ganito. Matagal nang nakasanayan ang pagsabi ng “para po” kapag bababa ka ng jeep sa Maynila. Kapag nasa Cebu or Ozamiz ka naman, “lugar lang” ang tamang sinasabi.

Hindi ang pagkatok sa bubong ng jeep.

Nakakapikon. Antagal na nating ganito. Feeling ba nila innovator sila? Dapat ba, lahat ng jeep mag-install ng Pull The String To Stop para matigil ang kagaguhan na to? Siguro gagawa ako ng sign board na pwede ma-install sa jeep na nakasulat, “Ang Kumatok, May Tuktok!”

Hindi naman kasi yan pinto na kailangan mo pumasok, ‘neng. Hindi rin yan bintana na kakatukin mo pag manghihingi ka ng barya. Bubong yan, pantakip sa ulan o sa init ng araw.

E kung ikaw kaya ang tuktukan ko!

*Keep The Change* Sa Jeep

white-man-face-pro-silhouette-488620question.

sumasakay ka ba ng jeep?


white-woman-face-pro-silhouette-488620Opo naman. bakit po?

white-man-face-pro-silhouette-488620

tuwing kelan ka sumasakay ng jeep?

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Kapag papasok po, or kapag tinatamad po maglakad.

white-man-face-pro-silhouette-488620

pag nagbabayad ka sa jeep, sakto o sobra?

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Sakto lang po. Sayang kapag sobra, haha.

white-man-face-pro-silhouette-488620

kasi, kung magbabayad ka ng SAKTO. di ka pwede mag expect ng sukli.
tama di ba?

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Opo. So ibig sabihin, wag ako mag expect sa kanya? Na kagaya ko magpapakumbaba sya at magsosorry skn?

white-man-face-pro-silhouette-488620

uy teka.
sukli lang ang ineexpect natin. hindi bayad.
sa sampung pisong inabot mo. 2 pesos lang ang sukli neng. hindi ten pesos.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

So anu po ibig sabihin?

white-man-face-pro-silhouette-488620

compute tayo ha.
8 pesos ang pamasahe.
pag nagbayad ka ng 8 pesos. walang sukli….
pag nagbayad ka ng ten pesos, 2 ang sukli.
pag nagbayad ka ng one hundred. 92 ang sukli.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Nagbayad na ko, feeling ko lahat pero wala po akong nakuhang sukli.

white-man-face-pro-silhouette-488620

ang tawag dyan,

keep the change.

tuwing kelan ba nagki-keep the change ang isang pasahero.. or yung kumakain sa restaurant.. or yung bumili ng ice cream sa kalsada.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Kapag marami syang pera.

white-man-face-pro-silhouette-488620

hindi.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Haha. Anu po?

white-man-face-pro-silhouette-488620

isipin mo. kelan…

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Hmmm. Ako kasi ganun ako kapag may sobrang akong pera cnasabe ko keep the change.

white-man-face-pro-silhouette-488620

mabalik tayo dun sa tanong ko kanina.
masaya ka ba?
kasi ako.. pag masaya ako, or pag natuwa ako sa binibili ko. willing akong magbayad ng 200 pesos para sa 150 pesos na pagkain.
kapag natuwa ako sa waiter, binibigyan ko siya ng tip.
kapag may nakatabi ako na maganda sa jeep, at nakalimutan ko kunin ang sukli ko, hindi ako nalulungkot. sinasabi ko na lang na, ok na yun. masaya naman ang naging biyahe ko.
ang “keep the change” ay naka-base kung naging masaya ka sa nakukuha mo.
ikaw ba, masaya ka ba sa biyahe mo? ok lang ba sayo mag keep the change?

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Naging masaya ko, natutuwa ako kapag nagiging ok kme. Pero ngaun, di ko yata kaya magkeep the change.

white-man-face-pro-silhouette-488620

so kung di mo kaya mag keep the change, please dont expect a sukli.
hindi naman kasi ata jeepney driver si selpilord
may follow up question ako, kung ok lang sayo.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Buwaya yun. Hahaha. Di marunong magsukli, keep lang ng keep. Anu po?

white-man-face-pro-silhouette-488620

kailangan mo ba talaga sumakay ng jeep?
i mean, baka naman kasi hindi mo talaga kailangan puntahan yung lugar na yun. baka yung lugar na pinupuntahan mo e hindi 8 pesos worth na pamasahe. sayang pera, sayang oras.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Hindi, pwede naman maglakad eh. Mahirap nga lang kc malayo, mausok, nakakapagod, malungkot kc mag isa ka lang wala kang kasabay.
Nakakaiyak ka naman! Parang nataaman ako dun sa baka hindi worth it na puntahan.

white-man-face-pro-silhouette-488620

tinanong kita kung ok lang, sabi mo go.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Matagal na ko nagpupumilit na makapunta dun, lage akong nauubusan ng pera, napapagod ako pero di ko alam bakit paulit ulit pa dn sumasakay cguro kc nag eexpect ako ng something na maganda

white-man-face-pro-silhouette-488620

kung sulit ang pamasahe, go.
pero pag hindi, wag na. may ibang pwedeng mapuntahan ang 8 pesos mo. pwede sa charity, sa pagkain, sa kabilang ruta ng jeep. pwede nga yan tumubo pag ginawa mong bente at pinang-lotto mo e. pero chance na yung pagkapanalo sa lotto ha. hindi ko gina-guarantee.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Panu ko malalaman kung sulit?

white-man-face-pro-silhouette-488620

good question.
sa lahat ng tanong, yan ang hindi ko kaya sagutin. ikaw ang magde-decide nyan.
pero may mga activities ako na pwede mong gawin para malaman mo kung sulit.
1) pros vs cons.
2) history repeats itself
3) promise and commitment

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Cge itatry ko po yan. panu ko gagawin yan??

white-man-face-pro-silhouette-488620

tutorial pa? grabe ha…
ahahaha
kaya mo na yan, medyo self explanatory yan.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Hhahaha! Sobra na po ba? Ok cge kaya ko na yan. lunch na po. Saka need nyo na magpahinga.

white-man-face-pro-silhouette-488620

like me on fb, follow me on twitter and instagram.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Sure! Like ko po ung page nyo. Thank you po! well appreciated po ang mga cnabe nyo.

white-man-face-pro-silhouette-488620

tungkol sa jeep? ahaha. sana maalala mo ko pag sumasakay ka ng jeep.
you are welcome.

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Ikaw na lage maaalala ko kpag sasakay ako ng jeep.

white-man-face-pro-silhouette-488620

pwede ko ba isulat tong chat natin sa blog?
Today

white-woman-face-pro-silhouette-488620

Sure po! Wag nyo na lang po banggitin ung name ko.