Tag Archives: Jessica Soho

Carrotman (Jeyrick Sigmaton)

Dear Chenee De Guzman,

Kilig ka ng sobra noh?

Yung crush mo, ninakawan mo ng litrato, pinost mo sa FB, dumami ang likes at share. Nakakatuwa naman kasi talaga yung pagkaka-caption mo at yung usapan ninyo ni Edwina T. Bandong.

Carrot cake? Sarap siguro nun. Gusto ko rin makatikim. Nagbebenta ba kayo? Ano ang instagram mo, para maka-order ako para sa birthday nun friend ko. Nakalimutan ko siya bigyan ng cake kahapon. Sayang, once every 4 years lang siya mag birthday. Continue reading

Sabungero

Sabong is the Filipino word for Cockfighting.

<photo from boholchronicle.com>

Papasok ako ng trabaho kanina. Yung jeep na sinasakyan ko na byaheng stop-n-shop <> boni, e dumadaan sa Sabungan sa may Mandaluyong.

Bago pa makarating duon, andami ko nang kasakay na estudyante pauwi na galing eskwela, titser na may kausap na namamalimos at sinesermunan ito tungkol sa pag-aaral na solusyon sa kahirapan, dalawang paslit na kasama ang nanay nila (pero pang isang tao lang ang bayad), at syempre yung tsuper na magaling kumabig at kumambyo. Nabigyan ko na ng tatlong mamiso at isang benchingko yun namamalimos.

Pagdaan namin sa sabungan, may dalawang kuya na sumakay. Continue reading