Tag Archives: JP

Yung Feeling Na Alam ni CRUSH ang Pangalan Mo

#ALDUBNextChapter

Matagal ko na siya tinitignan. Nakaw ng tingin. Minsan nahuhuli niya akong nakatitig sa kanya. Gaya ng karamihan, binabawa ko ang sulyap dahil nahihiya ako.

Pero ok na ako. Yung mapansin niya na nakatingin ako sa kanya, ok na ako dun.

Gusto ko kasing makita ng mga mata ko ang ngiti na galing sa kanyang mga labi. Parang punung-puno ng saya. Walang problema. Yung mga utang ko sa tropa ko, nalilimutan ko pag nakita ko ang mga ngiti niya.

Yung kaunting halakhak. Sabay bigkas ng mga salita at mabilis na pagtawa. Mga inaabangan kong eksena, parang commercial sa paulit-ulit na gawain sa trabaho.

Yung baka sakaling maintindihan ko ang sinasabi niya kahit malayo siya. Pagpilit kong basahin ang mga salitang lumalabas sa bibig niya na hindi ko naman marinig dahil malayo siya.

Yung pagliwanag ng kwartong sa kanya galing ang ilaw. Kahit na ilan pang naka-business attire ang nakapaligid sa kanya, siya pa rin ang pinakamaganda.

Tapos ngayon, nahuli pa niya akong nakatitig sa direksyon niya. Sobrang bilis ng lingon niya at hindi ko nabawi ang aking panakaw na pagtingin.

Nakita kong bukambibig niyang binanggit ang dalawang letra sa alpabeto na paborito ko. Dahilan para ako naman ang ngumiti.

“Di ba, JP ang pangalan niya,” – malinaw na bigkas ng kanyang mga labi kahit ilang metro din ang pagitan namin.

Pepi sa BloggersFest

First time ko mag talk sa harap ng maraming tao. Dati kasi, mga isang classroom lang ang kinakausap ko at the most.

Pepi de Leon

Nung BloggersFest na ginanap sa Thunderbird Resorts sa Rizal, hanggang 200 ang attendees. E umuwi na ng maaga ang karamihan, kaya mga 150 na lang din ang audience ko. Marami pa rin yun. Nagsalita ako tungkol sa topic na Domain and DNS Management.

Nasa akin ang attention nila sa loob ng fifteen minutes. Yun lang ang alotted timeframe sa akin e. Pero simple lang din naman ang idi-discus ko kaya sisiw lang ito.

Hindi ko talaga alam pero nawala ang kaba ko nun pag-akyat ko sa stage. Ni-request ko kasi na ipatugtog ang Entrance Song ni EDGE ng WWE pag pasok ko e. Nakakawala talaga ng pressure yun.

Nang matapos nga yung talk ko, tinatanong pa ako ng mga bloggers, “kabado ka pa sa lagay na yan?” Hindi lang nila alam na buong araw kong sina-psyche ang sarili ko para hindi kabahan.

Sa mga nakarinig ng talk ko, sana may natutunan kayo kahit papaano. Kahit maiksi ang oras na nagsalita ako, sana tumatak sa isip ninyo yung mga pinagsasabi ko.

Yung makakapag-bigay nga pala ng definition ko ng Domain Name sa comments section ay ililibre ko ng ice cream sa susunod na pagkikita.

Salamat ke Jeman para sa photo. At salamat ke Emotero sa pagpapa-autograph. Ikaw pala yun!

Out of danger

Kakadischarge ko pa lang sa ospital. 3pm kami nakalabas ng Lourdes. Andito na ako ngayon sa bahay para magpahinga. Namiss ko na ang computer e.

Sa mga hindi po nakakaalam, eto po ang nangyari sakin.

Saka ko na iku-kwento. Basta ang importante, buhay ako.

Salamat sa mga parents ko, sa mga kapatid, kamag-anak, kapitbahay, kaibigan na nagbibigay ng lakas ng loob. Naging mas madali ito dahil andyan kayo.

Salamat sa nagdala sa akin sa ospital at umasikaso sa akin sa ER.

Salamat dun sa mga umasikaso sa akin sa ospital mismo; mga nars, doktor, staff, guard, pati mga madre.

Salamat nga pala sa lahat ng nagdasal, dumalaw, nagpadala ng greetings, nagcomment sa facebook, nag-like sa fanpage ko at mga nagdala ng pagkain sa ospital. Natutuwa naman ako at marami pa rin talagang nagmamahal sa akin.

Salamat din sa Letgosago.net, Iamkcat.blogspot.com at tiarara.com

Hindi pa gawa ang bala na makapagpapahinto ng pagtibok nito.

Higit sa lahat, salamat sa Poong Maykapal at biniyayaan ako ng 1UP.

P:MM – Bisikleta

Alas tres ng tanghali, medyo mataas pa ang araw. Hindi pa advisable para lumabas ng kalsada para maglaro. Pero dahil sa kakulitan ko at kagustuhan kong matutunan gamitin ang bisikletang pinamana sa amin ng aming mga pinsan, pinipilit ko ang nanay ko na payagan akong lumabas.

Summer noon. Sobrang init sa labas. Tuyung tuyo ang kalsada. May mga maliliit na  butil ng grava at bato at walang bakas ng tag-ulan. Maalikabok ang sahig na nagbibigay ng dulas sa kahit na sinong naglalakad. Buti na lang at walang mga taong wala sa katinuan na lumalabas ng bahay sa oras na ganito.

Sinilip ko ang gate namin, Continue reading