White light/s. Kumabig pakaliwa. Hindi ako sinagasaan ng ilaw, buhay pa ako. Buti magaling ang nagmamaneho.
Revo nila Tita Dory yun, kapitbahay namin. Sasakyan ito ng kagawad. May magdadala na sa akin sa ospital.
Masakit pa rin ang mga lamanloob ko dahil sa impact ng bala. Gayunpaman, nagbigay ng lakas loob sa akin ang pagdating ng sasakyan na ito para itayo ang sarili ko at sumakay sa likod ng Revo. Inihagis ko na nga lang ang bag ko sa sasakyan. Sinamahan na rin ako ng isa pang kapitbahay na si Tito Jun.
Tatlong kanto lang, ospital na. Diretso ako sa ER. Stretcher ako all the way. Malamang naintindihan nila na hindi ko talaga kayang tumayo. Wala na akong chakra para makatayo pa.
Niri-reserba ko ang lakas ko para mag dial ng numbers sa cellphone ko at mag update ng facebook status ko gamit ang Ovi by Nokia.
Kinailangan ng ID. May passport ako sa bag.
Kinailangan ng pera sa ospital. Hindi libre ang mabaril. Buti na lang may MAXICARE.
Kinailangan malaman kung tinamaan ang kidney ko. Kinabitan ako ng catherer to check kung may dugo ang wiwi ko, wala naman.
Kinailangan sigurado na walang internal bleeding. Dalawang beses akong in-ultrasound, awa ng Diyos, wala silang nakitang bata sa tummy ko.
Kailangang ma pinpoint kung asan ang bala. Tatlong run ng X-ray sa ibat ibang anggulo.
Gising ako all the while. Ayokong ma miss out ang experience na ito. Nung unang beses na nasa ER ako ng ospital na ito, ilaw lang ang naaalala ko. This time, I need to make sure I know what is happening.
Sinigurado ko din na may TV sa kwarto ko para makanuod ng laban ni Pacquiao at Margarito.
Buhay pa naman ako hanggang ngayon. Dalawang araw lang ako sa ospital. Kahit na covered ng health card ang confinement ko, mas minabuti ko na makauwi na kaagad at makapag internet. Tutal, out of danger na naman ako e. Sumasakit pa rin ang muscles ko sa likod lalo na pag napwersa angĀ katawan ko.
This has been the most memorable experience for me by far. Hindi ko masasabi na it’s a near death experience because my life didn’t flash before my eyes. I am still here for a purpose. But for now, rest muna. Kahit 30 days lang.
Still alive. 4th of 4Ito ang kwento nang maholdap ako noong November 13, 2010. Isinasalaysay ko lang kung ano ang aking naaalala.
Part 1 : Bad Feeling
Part 2: Harang
Part 3: Bigay Mo, Babarilin Kita
Part 4: Safe