Tag Archives: kahulugan

Definition: Pagibig

(part 1 of a 3-part series entitled: Pagmamahal versus Pagibig)

Panahon na siguro para ibigay ko ang aking kahulugan ng salitang pagibig.

Nagresearch ako sa internet. “Definition pag ibig”, di na ako umaasang may makuhang magandang sagot. Tama nga ako, hindi makakatulong ang internet sa tanong ko. Tinanong ko ang akin nanay at tatay. Sinabi lang nila sa akin na, “bata ka pa para maintindihan mo ang salitang iyan.” Gusto ko sana sila sagutin ng, “23 years old na po ako!”
Continue reading

Definition: Kalayaan

Kalayaan. Isa na naman sa mga salita, gaya ng pag-ibig, na hindi mo kayang bigyan ng eksaktong kahulugan. Layunin ng post na ito na bigyan ng kahulugan ang salitang Kalayaan.

Gaya ng nakararami, nagresearch ako sa internet; “Kahulugan kalayaan.” May matitinong results, pero konti lang ang nakuha kong kahulugan na masasang-ayunan ko.

Tignan ang isang excerpt mula dito

Ang kahulugan ng kalayaan, para sa karamihan sa mga tao sa mundo, ay “kalayaan mula sa” kawalan ng malisya o sakit o pagsupil. Ngunit ang kalayaang tinutukoy ng Diyos sa pakikitungo Niya sa atin ay may karagdagang kahulugan. Ang ibig Niyang sabihin ay “kalayaan upang”­ang kalayaan upang kumilos sa dignidad ng ating sariling pagpili.

….

Isang bagay ang alam natin, siyempre: ang pagkakaroon ng “kalayaan upang” ay nangangahulugang maaari tayong magkamali sa pagpili. Ang mga maling pagpili ay may malulupit na ibinubunga at kung hindi ititigil at itatama ay aakayin tayo ng mga ito tungo sa kalungkutan at sakit. Ang mga maling pagpili, kung hindi itatama, ang aakay sa atin sa maaaring pinakamalaking kapahamakan sa buhay ng bawat tao: ang mawalay sa ating Ama sa Langit sa mundong darating.

– http://www.lds.org/conference/talk/display/0,5232,49-8-176-33,00.html

Bagamat tungkol sa pagiging isang mabuting kristyano ang pyesang ito, nais kong ilihis ang salitang kalayaan at kunin ang depinisyong inihayag ng may akda para pagyamanin ang aking blogpost.

Sa pyesang ito, dalawang kahulugan ng Kalayaan ang iniharap sa atin; “Kalayaan mula sa” at “Kalayaan upang”

Sa ating makabagong panahon na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Hindi na ito ang depinisyon gaya ng iniisip ng ating mga ninuno na unang nag-celebrate ng araw na ito. Tama nga’t sila noon ay naging malaya na mula sa mga mananakop, pero ang kalayaan na ipinamana nila sa atin ay hindi ang kalayaan na natamo nila noon.

Ano naman ang sinasabi nating kalayaan ngayon?
Ayon sa akin nabasa, ito ay ang “Kalayaan upang magampanan ang ating mga responsibilities at ma exercise ang ating mga karapatan.” Malaya tayong protektahan ang privilege na ito at angkinin ang mga karapatan na dapat ay atin. Yan ang kahulugan ng Araw ng Kalayaan sa makabagong panahon.

Marami akong nakasalubong sa araw na ito at binabati ng Happy Independence Day. Marami naman ang tumatanggi sa aking greetings at nagsasabi, “Hindi naman tayo tunay na malaya.”

Ito lang ang masasabi ko sa inyo.

MALAYA AKO! Ba’t di mo ipagmalaki ang kalayaan MO!?