Tag Archives: kalsada

Memory Miyerkules Huli KA!

Ugali na naming magkakapitbahay ang maglaro ng taguan. Elementary pa lang ako non. Kadalasan, pag-uwi galing sa eskwela, pagkatapos na rin makagawa ng homework, naglalabasan na kami sa kalsada.

Kinalaunan, nabagot na rin kami sa larong taguan. Kaya naman binigyan namin ito ng kakaibang twist.

BANG-SHAK

BANG-SHAK

Actually, hindi naman kakaiba.

Hango ang twist sa sikat na laro noon na Counter Strike. Tinawag namin ang laro na BANG-SHAK.

Ganun pa rin magsisimula ang laro. Magbibilang ang taya nang naaayon sa napili niya sa Magic Finger. Matapos niyang magbilang, hahanapin na niya ang mga kalaro.

Parang may 1-shot rifle ang taya. Pag nakita niya ang kalaro; sasabihin niya BANG [name ng kalaro]. Automatic deads na yung kalaro na yun.

Ang bawat kalaro naman ay may bitbit kunwari na kutsilyo. Kailangan makalapit ng isang kalaro sa taya bago pa siya ma-BANG. Pag nahawakan niya ang taya, sasabihin niya; SHAK! Signal yun na nasaksak niya ang taya at napatay niya ito.

Kapag lahat ng kalaro ay na-BANG na. Ang unang na-BANG ang susunod na taya.

Kapag na-SHAK ang taya, magiging taya ulit siya sa next round.

Mas masaya laruin ang BANG-SHAK kapag walang kuryente. Nakapatay ang street lights at puro ilaw lang mula sa kandila ang nagagamit namin.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project: Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

P:MM – Lollipop

Grade 4 Elementary days. Gaya siguro ng ibang mga bata, mayiniidolo kang mga upper class mo, either yung pinaka-gwapo o pinaka-magaling magbasketball. Yun bang sinasabi mo sa sarili mo na, “Paglaki ko, magiging kasintalino, kasing-gwapo, o kasing galing ko rin siya. o mas higit pa.”

Isa sa mga idol ko pagdating sa basketball e yung kapitbahay namin sa subdivision. Noel ata ang pangalan niya. 3rd yr high school na siya kaya Kuya ang tawag ko sa kanya. Pinopormahan niya ang aming kapitbahay na si Ate Carla na isang taon mas bata sa kanya.

Minsan, napadaan ako sa bahay nila Ate Carla. Galing ako sa tindahan sa kanto. Bumili ako ng lollipop. Dalawang piraso ata yun. Dahil  likas na mabait ako, nang makita ko si Ate Carla, inalok ko siya ng lollipop.

Kahit na sinabi niyang masakit ang ngipin niya, tinanggap naman niya ang lollipop. Para hindi ako mapahiya.

Hindi ko napansin na nasa loob na ng bahay nila si Kuya Noel. Nakatambay siya doon at nakikipagkwentuhan sa mga kapatid ni Ate Carla.

Nang makita ako ni idol, biniro niya ako. “Pahingi naman ng lollipop.”

Wala na akong maibigay.

Mas mabait si Ate Carla kesa sa akin. In-offer niya ke Kuya Noel ang lollipop na binigay ko sa kanya. Tinanggap naman ito ni idol.

Binuksan ni idol ang lollipop, tinikman niya ito. Hindi niya nagustuhan ang lasa.

Nang makapasok si Ate Carla sa bahay nila para may gawin na kung ano. Tinapon ni idol ang lollipop sa kalsada.

Natulala ako.

“Sayang noh?” sabay ngiti ni idol.

Hindi ko na siya idol pagkatapos nun.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.