Tag Archives: kambal bus

The “One Franchise = Multiple Frequency” Practice

Malbork Mainit talaga sa akin tong topic na to. Galit lang talaga ako sa mga LOYAL DAW, pero may iba naman pala.

Mabilis na disclaimer; wala po ako paki kung galit si Tatay Digs sa ABS-CBN, gusto ko lang ma-call out ang practice na to at kung paano tayo nagkakaproblema.

Pansinin nyo muna ang sample na pictures na nakita ko nung nag-Google ako about KAMBAL BUS.

Wala naman problema para sa commuters. Mas ok nga sa kanila dahil pag mas maraming bus, mas maraming pwede masakyan. Pag na-late ka sa oras ng alis ng bus, andyan kaagad yung mga kasunod na bus dahil may mga kakambal ang buses nila.

Pero akala mo lang yun.

Ang nagiging problema sa commuters, dumodoble o tumitriple ang dami ng bus sa EDSA. Alam ng gobyerno at ng MMDA ang capacity ng EDSA. Iilan lang ang bus na pwede dumaan dyan. Nasa isip ng MMDA e sakto lang ang mga bilang ng bus – kasi nga – sakto lang ang bilang ng mga NAGBABAYAD NG FRANCHISE.

E ang kaso, gahaman ang mga negosyante.

Naglalabas sila ng mga KAMBAL BUS, para onti lang ang franchise, pero doble ang kita.

Ganun din ang argumento ko sa kaso ng Franchise ng Big Networks natin. Isang franchise lang meron ang ABS-CBN Network, pero andami ng channels nila. Bilangin mo na lang sa TV Plus mo, parang nasa sampu ata ang nawalang channel dahil nag-expire ang nag-iisa nilang franchise.

Hindi lusot ang GMA Network dito. Kanina lang, nahuli ko sila, yung broadcast nila sa GMA7 at sa GNTV nila, iisa. Sayang ang frequency kung duplicate naman ang content. Parang pinirata mo lang ang Fliptop.

Traffic sa EDSA, oo, isa na dun e yung sobrang daming bus na kumaKAMBAL. Kung umaangal ka dahil sa trapik ang EDSA, pero hindi ka umaangal dahil sa multiple frequency practice ng ABS-CBN, baka kailangan mo muna manood ng Fliptop.