Tag Archives: kampeon

BamBikes The Pogi Bike Of INTRAMUROS

Gawa ng Gawad Kalinga.

Bambikes, mga bisikleta na gawa sa bamboo, yan ang dapat mong sakyan kung gusto mo maglibot sa Intramuros.

Bam Brian leading the tour

Bam Brian leading the tour

bambike bodeh

bambike bodeh

bambike

bambike

beach cruiser

beach cruiser

bloggers kodakan

bloggers kodakan

Fans of Bambikes on the roof

Fans of Bambikes on the roof

handmade in the philippines

handmade in the philippines

kampeon on a bambike

kampeon on a bambike

mr turtle

mr turtle

ninja on a bike

ninja on a bike

start and end point

start and end point

stop staring start caring

stop staring start caring

the tour

the tour

Sa halagang 1,200 pesos, pwede kang mag bike tour around Intramuros. Si Brian ang pasimuno ng initiative na ito. Gamit ang kanyang pagkahumaling sa mga mahahaba at matitibay na kawayan, nag-formulate siya ng 5-6 month process ng pagpapatibay para mag-last ng lifetime ang body ng bisikleta mo.

No biro, gawa siya sa bamboo. Makakakuha ka ng sarili mong Bambike sa halagang 15 thousand pesos. Magiging mas mura pa siguro pag mass produced na, pero ngayon kasi, medyo parusa ang production kaya medyo mahal.

Nilibot naming mga Bambloggers ang intramuros gamit ang mga Bambike. Nakakatuwa dahil hindi kagaya ng mga walking tours, madali lang kaming makalipat-lipat ng mga lugar dahil mabilis ang mga bisikleta. Within 2 hours, covered na namin ang buong Intramuros, at nag Fort Santiago pa kami.

Bambikes Eco Tours

Bambikes Eco Tours

Eto ang ilan sa primary reasons kung bakit nakaka-POGI ang pagsakay sa Bambike:

  1. Pwede ka magbisikleta sa walls. Bambike lang ang may partnership sa Intramuros Tours office.
  2. Gawa siya sa Bamboo. Head turner ang bisikleta mo.
  3. Pag kasama mo si Brian, marami din lilingon. Head turner din siya.
  4. Travel in groups. Power in numbers.
  5. Kling! kling!

Kung ako ang papipiliin, ayoko na mag Fort Santiago. Mas gusto ko kumain. Pwede naman daw i-customize yun dahil ang Php 1200 mo ay good na sa isang standard 2.5 hour tour. Pwede ka rin mag express tour na kalahati ang presyo.

 

 

Bambike
Plaza San Luis Complex
Real St. corner General Luna St.
Intramuros, Manila 1002

More information available at:
www.bambike.com/ecotours
www.facebook.com/BambikeEcotoursBookings: call us at +63 (2) 525 8289 or email us at ecotours@bambike.com

Mr and Ms BonPen 2011

Nasa Pitogo, Quezon ako last weekend kasama ang mga bloggers. Nanuod kami ng Mr and Ms BonPen 2011.

Mr and Ms BonPen 2011

Magaganda ang mga contestants. Lahat sila ay nag-aaral pa. Karamihan ay nasa College level at may isa o dalawa naman na nasa High School pa. Ang personal favorite ko ay yung number 8. Nanalo siya ng Best in Swimsuit at first runner up. Sayang, di ko nakuha ang pangalan niya, pero may picture naman kaming dalawa.

Contestant number 8

Magaganda ang tindig nila. Mahuhusay sila sumayaw at magagaling maglakad. Meron pa ngang nakakapag-Tsunami Walk sa kanila e. Mahusay din sila sumagot sa Question and Answer portion.

Swimsuit Competition

Pero syempre, sa mga ganitong contests, may nananalo, may natatalo. So ipakikilala ko sa inyo si Jonalyn Jugo, ang Ms BonPen 2011. Winner din siya ng Ms Photogenic. Maganda siya mag-smile. Pati ang eyes niya ay ngumingiti. Pang-BEAUTY QUEEN talaga.

Si Jonalyn Jugo, aka Jolens, ay representative ng Catanauan. Magaling siya sumagot ng questions as in. Meron din siyang Facebook Fan page. Search niyo na lang.

Jonalyn Jugo, Ms BonPen 2011

Ahahaha. Jonalyn Jugo. Isa siyang KAMPEON!

KnP2 at ang kanyang Red Ribbon dedication cake

O di ba, hanep. Red Ribbon dedication cake ang kinakain namin sa Coco Super Club.

 

KnP Loveless with Red Ribbon dedication cake
[KnP#2] Loveless with his birthday Red Ribbon dedication cake

Up to 4 lines ang pwede mo ipasulat sa isang dedication cake. Pwedeng chocolate o mocha, at Red Ribbon is always a quality cake. Masarap talaga!

Happy Birthday sa nag-iisang si Clifford Tan. Salamat at kahit kaunti lang tayong nakapunta sa birthday mo, nagawa pa rin natin na memorable ang gabi.

Laro na tayo ng Mario Kart! Ako ang gagamit ng WHEEL!

NBA 3on3 sa Pinas

Sa bawat barangay sa Pilipinas, nagkakaroon ng pa-liga ng basketball. Basta may basketball court, mapa whole court of half court man yan, siguradong may magpapa-liga dyan pag summer.

Patapos na ang summer. Pasukan na sa Lunes. Sigurado ako may mga nakoronahan na na mga kampeon. Sigurado ako, tinanghal na ang Mythical 5 at MVP ng bawat barangay.

Pero ano na ang gagawin sa mga kampeon na ito? Hanggang doon na lang ba yun? Wala na ba silang makakatunggali? Sayang ang kanilang talento. Bat hindi natin sila dalhin sa NBA?

Para saan pa at tinawag tayong Basketball Country?

 

NBA 3on3

NBA 3on3

Ni-launch ng Sprite at NBA Asia ang NBA 3-on-3 sa Pilipinas last Friday sa isang restaurant sa Makati. Under ng NBA rules, maghaharap-harap ang mga koponan sa kanya-kanya nilang division.

Age Divisions

  • Boys Divisions:
    • 13 & Under
    • 15 & Under
    • 17 & Under
    • 19 & Under
    • Men’s Open Division
  • Girls Divisions:
    • 15 & Under
    • 19 & Under

    Suggestion ko sa mga Barangay, maghanap na kayo ng sponsors para maipasok ang mga championship teams ninyo. Dalhin pa ninyo ang pangalan ng Barangay para medyo sikat. Dito kayo sa link na ito mag-register. (Early bird registration until June 10, 2011)

    Sa July 1-3, 2011 sa Mall of Asia gaganapin ang tournament. Bawat team ay may apat na players (tatlo sa loob, isang pan-sub). Bawat half ay 5-minutes na stop time. May free throw, shot clock at 4-foul graduation. Race to 21 ang laro. Paki-click na lang ito para sa rules.

    Para naman sa mga hindi kasali sa tournament, magkakaroon din ng side games. May 3point shooutout, slam dunk contest, at basketball skills contest. Paki-check dito ang list of side games.

    Ang ating 4-time champion at NBA Legend na si Horace Grant ay dadalaw sa Pinas para sa event na to. Yung mga basketball fans dyan, eto na ang chance ninyo na magpa-picture.

    Darating din ang New York Knicks City dancer. Gusto ko sila mapanuod!

    The New York dancer

    The New York dancer

    Eto ang full facts sheet ng event.