Tag Archives: Kamuning

#PandesalForum With Aspiring Vice President Sonny Trillanes

Bago ka magbasa, follow mo muna to sa Twitter:

@KamuningBakery

December 7, 2015 – Monday. Binisita ni VP-aspirant Trillanes ang Kamuning Bakery. Siya ang last sa SWS survey na ni-release this month. Ganunpaman, tuloy pa rin siya. Malayo pa naman daw ang eleksyon.

Ready na tayo?

Ready na tayo?

Pandesal Forum. Daming media na kasama. Puro politics pinag-usapan. May mga patawa / pakilig na tanong sana ako na gusto tanungin pero hindi ko nagawa. Serious kasi masyado mga tao. Di bale, may natutunan din naman ako kahit papaano.

Nag-tweetcast na lang ako tutal malakas naman ang Globe signal sa Kamuning.

Yan ang tumatak sakin. Matapang talaga si Senator Sonny. Basta ayaw niya ke Binay. Tapos! 

Totoo din naman to. Pumasok si Trillanes sa listahan kahit nakakulong siya dahil sa Mutiny attempt ng Magdalo group sa Makati. Nagsisilbi siyang senador kahit nakakulong.

Ganyan sa Pilipinas.

gwapo si Senator Sonny Trillanes

gwapo si Senator Sonny Trillanes

Yan din naman ang sabi niya. Hindi daw siya kinakabahan sa mga lumabas sa survey this December dahil malayo pa naman ang eleksyon. Marami pang pwedeng mangyari. History says na kung sino ang nasa top ng survey sa simula e hindi naman din pinapalad na manalo sa huli.

Wilson Lee Flores awards Pandesal to Senator Trillanes

Wilson Lee Flores awards Pandesal to Senator Trillanes

Isa sa mga takeaways ko to sa Pandesal Forum. Senator Trillanes is presenting himself as an alternative candidate. He, together with Senator Chiz, supports Grace Poe’s presidential campaign.

At this point, gusto ko tanungin kung nagawa na ba niyang manligaw sa babae na may nanliligaw nang iba. Nagawa na ba niyang manligaw sa isang girl na may boyfriend na. Kaso serious ang atmosphere kaya wag na lang. Masapok pa ko ng taga-Inquirer.

 

Senator Trillanes katabi ng Legendary Pugon

Senator Trillanes katabi ng Legendary Pugon

Eto sample guideline ni Senator Sonny; kapag hindi daw naniniwala ang kandidato sa gusto mo, bat mo pa siya iboboto.

Kung umaangal ka sa laki ng tax mo kada sweldo, bat mo pa iboboto ang Liberal Party na ayaw naman magbaba ng income tax.

Dito pa lang, napaisip na ako. HINDI TALAGA AKO BOBOTO KE MAR!

****

Marami pa akong insights and quotes sa twitter. Follow me at @pepideleon at review-hin ang December 7 tweets ko. 🙂 

with staff and chef of Kamuning Bakery

with staff and chef of Kamuning Bakery

Senator Sonny sa Kamuning Bakery

Senator Sonny sa Kamuning Bakery

This non-partisan “Pandesal Forum” hopes to help elevate the quality of public debate and discourse in politics to focus more on socio-economic issues and reform needs, instead of the obsession with personality politics… The “Pandesal Forum” on socio-economic or gut issues of 76-year-old Kamuning Bakery Cafe this morning with guest the 2016 vice-presidential candidate, Senator Chiz Escudero.

2016 presidential candidate Vice-President Jejomar “Jojo” Binay was the guest last week at the “Pandesal Forum”. Welcome to all 2016 election candidates. Wilson Lee Flores

Kamuning Bakery Cafe is located since 1939 at Judge Jimenez Streeet corner K-1st Street, Kamuning, Quezon City. Tels: 4161637, 9292216, 4126628. Ideal for small of big events, press conferences, birthdays, etc.

Simbang Gabi 2012 Schedule – half time report

pasensya na po.

Hindi ko kaya mag blog araw-araw tungkol sa Simbang Gabi aka Misa de Gallo dahil nagwo-work po ako simula 7am til 4pm. Pagkatapos ng work, may mga events pa akong pinupuntahan.

Buti nagkaroon ako ng oras para magsulat ng blog na to para bigyan kayong mga readers ko ng idea kung san pa kayo pwede magsimba para sa 9 day novena pampasko.

Eto ang pictures na may kasama na rin na captions. This will cover for the first 4 days na nakapagsimbang gabi ako. Hindi rin kumpleto ang schedule dahil yung oras lang na nakapagsimba ako ang ibibigay ko.

Hanep sa report noh?! Sorry na, tao lang.

Anyway, enjoy!

Our Lady of Fatima Parish Bacood

Our Lady of Fatima Parish Bacood

FIRST DAY: Nakapagsimba ako ng 4:30am. Maraming tao at medyo suffocating pag sa loob ng simbahan ka nakapwesto. Suggestion ko, sa labas ka na lang para hindi ka mahilo. O kaya, dun ka sa harap umupo para medyo malawak at hindi nakakasakal.

Kailangan na nila palakihin pa yung simbahan. Hindi kaya ng simbahan na ito ang dami ng mga nagsisimba kapag peak hours.

Shrine of the Sacred Heart of Jesus - Makati

Shrine of the Sacred Heart of Jesus – Makati

SECOND DAY: Mayaman ang simbahan na ito. May dalawang misa sa umaga. Isang 4am at isang 5:30AM. Dun ako sa latter para sakto na lang ang paglalakad ko papunta sa office nung natapos ang misa ng 6:30AM. Kumpleto sa gamit, aircon,  at magaling ang choir. English nga lang ang misa at nasakto pa ako sa pari na hindi nagtatagalog. Ang gusto ko pa naman, Tagalog na homily. Para ma-gets ko at maka-relate ng mas maayos.

Sacred Heart of Jesus - Kamuning

Sacred Heart of Jesus – Kamuning

THIRD DAY: Late na ako nakarating sa misa dahil may event pa ako. Actually, siningit lang namin dahil nagbakasakali lang kami. 8PM nagsimula ang misa at nakarating kami nun bandang prayers of the faithful na. Nag-sorry na lang ako at kumanta ng offertory song at communion song ng buo kong lakas. Maraming tao pero ayos lang dahil mataas naman ang roof. May mga electric fan din naman kaya maayos at komportable ang pagsisimba.

Our Lady of Lourdes Hospital Chapel - Sta.Mesa

Our Lady of Lourdes Hospital Chapel – Sta.Mesa

FOURTH DAY: Napakaswerte ko sa misa na to dahi si Fr Jerry Orbos ang naging celebrator. Magaling siyang pari. Siya yung madalas natin napapanood sa Sunday TV Mass ng ABS-CBN. Nagmimisa din pala siya sa ospital.

Nasaktohan ko lang na 5am ang misa dahil may mga nakasabay akong naglalakad. Well, ayos lang din yun dahil 1 hour travel ang kailangan ko papuntang Makati area. Hindi man aircon ang simbahan, ayos lang din dahil kaunti lang ang nagsisimba. Hindi ko lang trip ang choir dahil medyo mabagal kumanta sila sister. Nakakaantok talaga para sa akin ang boses ng mga madre.

 

************

O ayan, report ko na yan para sa first half. May limang misa pa akong dapat puntahan para makapag-wish. Ipagdasal po ninyo ako gaya ng pagdarasal ko para sa inyo.

Sorry po sa mga bad comments pero kailangan ko lang maging honest. Maiintindihan sana ako ni Lord pati ng mga readers ko.