Tag Archives: kanta

Ang Tamang Pagbaybay Sa Mga Letra Ng Kanta

Hindi naman ako aspiring singer. Hindi ako lumalaban sa mga singing contests. Kapag may kantahan, hindi ako ang first choice. Hindi ako bokalista ng banda, tenor sa chorale, o choir member sa simbahan. Para sa akin, hindi big deal ang pagkanta.

Ginagawa ko lang siya pag trip ko.

Minsan, napag-uutusan ako mag-review ng mga kanta para sa website na gigsmanila.com. Kapag trip ko, go. Kadalasan, yung meaning at flow ng mga kanta sa isang album ang basehan ko sa paggawa ng review.

Kaso, may iba pa palang elements ang mga kanta. Continue reading

Memory Miyerkules Like A Rose

High School. Need kumanta sa Music class namin.

Hindi talaga ako singer. Nagpapanggap lang. Ayos naman ang tono ng boses ko pero 1.5 octave lang ang range ko. Basta hindi ako panlaban sa mga contest.

E ang hirap din maghanap ng kanta na nasa loob ng range ko. Dapat minus one ang tape para marinig ang boses ko.

So hanap tayo neto sa Odyssey. Music store yun. Meron pa ata nun sa mga mall.

Nang makakita ako ng magandang tape na minus one, binili ko na. Ang napili kong kanta; Like A Rose by A1.

Eto video:

http://www.youtube.com/watch?v=FO0CYCm9xWE

Like a Rose

Hindi ko alam kung maganda ang naging grade ko pero sure ako, naging memorable ang kanta na yun sa mga kaklase ko. Para daw kasi ke super ex yung kanta.

Bahala na nga sila kung ano isipin nila.

Tuwing Wednesday, magb-blog ako tungkol sa naaalala ko sa aking kabataan. Ito ang aking “Project:  Memory Miyerkules” .

Layunin nitong maisulat paunti unti ang aking talambuhay.

 

My Brother sings: Bagyong Ondoy

Trapped ang utol ko noong kasagsagan ng Bagyo. Walang kuryente, walang internet, walang ilaw, in short, wala siyang mgagawa.

Pampalipas oras niya ang pagtipa ng kanyang gitara.

Dahil likas na talented master of none siya, bumuo siya ng kanta tungkol sa naranasan niya sa panahon na yun.

eto ang nabuo niya. nagsama pa siya ng tropa para mai-record lang ang kanta.

enjoy


Bagyong Ondoy (draft)