Una ka sa balita pag nasa Twitter ka at mga kilalang tao ang fina-follow mo. Pero nung una kong makita ang trending topic sa sidebar ng Twitter, hindi ako kagad naniwala.
Hanggang sunud-sunod na nga ang lumabas na RIP Dolphy. Puro pakikiramay. This has to come from someone.

RIP Dolphy
Sa aking pagsasaliksik, ang isa sa mga unang nagbitaw ng balita, yung may credibility, e ang ABS-CBN’s prettiest na si Darla Sauler.
At sinundan pa ito ng iba pang mga balita.
Nakakalungkot lang isipin na ang pinakamagaling magpasaya sa mga Pilipino e pumanaw na.
Nasa Makati Medical Center siya nagpapagaling pero hindi na talaga nakayanan ng katawan niya. Meron siyang pabalik-balik na pneumonia kasabay ng kung anu-anong sakit. Matanda na kasi talaga siya.
RIP Tito Dolphy