Tag Archives: knorr

Can Flavor Help You Find Love?

#LoveAtFirstTaste

Sabi nila, the best way to a man’s heart is through his stomach. Ganun din naman sa woman. Basta alam mo siya pakainin, alam mo paborito niyang food, alam mo yung ayaw niya, at alam mo rin ang putahe na pwede niya kainin any day of the week, swak na kayo.

Nahihirapan ka makahanap ng kapareha sa buhay? Try mo maghanap muna ng ka-FUBU.

Oo, FUBU. Hindi ito yung brand ng damit.

FUBU means FUd BUddy. Hanap ka ng kapareho mo ng ayos ng taste buds. Hanap ka ng kapareho mo ng cravings. Hanap ka nun kumakain ng balot, nage-enjoy sa kilawin, at hindi nandidiri sa Dinuguan.

Ang unang tanong kasi na mahirap sagutin sa first date ay “San tayo kakain?”

 

We ALWAYS Come Back To Our First LOVE #LutongNanay

#MothersDaySpecial #LutongNanay

Iba pa rin talaga ang luto ng ina. May sangkap ng pagmamahal.

firstlovekids

firstlovekids

first love

first love

Andami ko nang napuntahan na lugar at nakainan na restaurant. Masasarap ang mga pagkain, oo, pero iba pa rin ang mga luto sa bahay namin. Kaya kahit na ilang restaurant reviews pa ang mapuntahan ko, uuwi at uuwi pa rin ako sa bahay namin sa Sta Mesa para matikman muli ang lutuin ng mami ko.

  • Yung specialty na kare-kare ng lola ko. Given na mabigyan si mommy ng kumpletos rekados, I am sure madu-duplicate niya yun.
  • Signature sinigang. Maliit na bagay pero iba pa rin pag nakatatlong init na.
  • Mga simpleng pansit, na may retaso ng kung anu-anong sangkap gaya ng pinaghiwaan ng manok, fishballs, kikiam. It makes me wonder kung bakit kaya ng mami ko biglaang maghanda ng pansit kahit walang may birthday.
  • At Syempre, yung specialty ni mommy na lumpia, full siya at walang halong extenders. Kung meron man, hindi halata.

Marami pa ito. Hindi ko na lang din maiisa-isa sa inyo. I suggest, magpunta kayo ng biglaan sa bahay para ma-experience ninyo ang menudo-espesyal at walang kamatayang adobo. Yung pork steak at fish steak din nga pala.

Ano ba yan, puro pagkain. Siguro nga, dahil sa pagkain na makukulay, nabibigyan ng aming ilaw ng tahanan ng meaning ang salitang ina. Nakakabusog kaya.

Isa lang ang medyo sure ko, may sangkap na kasama ang lutuin ni mami na alam kong kayang kaya mo rin gawin. Ito yun:

lutong nanay

lutong nanay

Nakakalungkot tuloy kung wala kang nanay na nagluluto ng pagkain mo.

Kaya ano pa man ang tawag sayo; Ina, Nanay, Mommy, Mama – HAPPY MOTHERS DAY sayo. Isa na din para sa inang Maria na nasa Taas.