Tag Archives: knp

StarCraft 2 every night

Online na naman kami kagabi ng mga tropa ko. StarCraft 2 ang aming libangan at stress reliever matapos ang araw ng trabaho. Dito kami nakakapagkwentuhan ng kaunti, nakakapagkumustahan at nakakapagplano ng kung ano ang gagawin namin sa mga buhay namin.

Ito ang naging decision ng aming conclave noong huling KnP Meeting. Gamit ang medium na StarCraft2, panandalian kaming nakakawala sa aming mga problema sa buhay at nakakapaglibang. Hindi ito kasing gastos ng ibang hobby dahil 1-time payment lang na 3.5k pesos ang pagkuha ng Battle.Net Key.Araw-araw pa kaming makakapaglaro sa kanya-kanyang bahay.

Mga isa hanggang dalawang oras din kada gabi ang ginugugol namin dito.

Galing ang team namin sa Silver league at unti-unting umaangat sa division rankings. Kagabi lang, nakatalo kami ng rank diamond na players. Nabigyan kami ng bagong ranking na GOLD Rank 1 sa Division Khala Upsilon.

Ito ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Nagbukas pa nga ako ng all english blog para sa aking experiences sa loob ng StarCraft2 World. Titignan natin kung maganda ito sa search engines.

Let’s roll out!

Starcraft 2

abbr. SC2

Ito ang pinaka-aabangang installation kasunod ng Starcraft:Broodwar. Ni release lang nung isang araw, July 27, sinusubukan na ng mga tropa kong si [KnP] Loveless at [KnP] Wong na makakuha ng kopya.

Sabi nga ni Wong, mas mura daw sa Dubai.

Ang suggested retail price nito sa Pilipinas (ayon sa pr-inside.com) ay nasa Php3,500. Not a bad price for an avid fan. Pano na lang ang masang Pilipino. Aasa na naman ba tayo sa pirata?

Ako, ang pinakainaabangan ko dito e yung story line. Ano na kaya ang nangyari kila Kerrigan at Jay Raynor. Gaano na kaya kalakas ang mga Zerg. Baka paguwi ni Wong galing Dubai, hindi ako makasabay sa uspang SC2.

Yung mga avid fan dyan, nakabili na ba kayo? Kwento niyo na lang sakin yung istorya.

Rainbow!

Binyag ni Rainbow noong Saturday, Oct. 17. Anak siya ni [KnP] #2 aka Loveless at ni Camilla. Nag ninong ako at nagdala ako ng malaking regalo. Sana nagustuhan nila.

Doon sa Sanctuario de San Antonio sa may Forbes siya bininyagan. Maganda dun kasi may kwarto sila na reserved for binyag lang talaga.

Kahit late kami, late din naman nag-umpisa, kaya ok lang siguro. Continue reading